Pakistan Standard Time
Ang Pakistan Standard Time (PKT) (Urdu: پاكِستان كا مِعيارى وقت, literal sa Tagalog: Pamantayang Oras sa Pakistan), ay ang sona ng oras sa Pakistan. Limang oras ito nangunguna sa GMT/UTC (UTC+05:00). Hindi na inoobserbahan ang daylight saving time sa Pakistan.
Kasaysayan
baguhinAng kasalukuyang oras ng Pakistan (PKT) ay naging epektibo sa hatinggabi sa gitna ng Abril 30 at Mayo 1, 1954. Bago dito, pareho lang ang PKT sa lokal na oras ng Calcutta (Indian standard time or IST) na pinamayaning-Briton, na ginamit simula Enero 1, 1906, at ginamit rin ng Sri Lanka (dating Ceylon) hanggang sa pagiging malaya ng Pakistan noong Agosto 14, 1947. Ang Pakistan Standard Time ay kinuha sa bayan na "Masroor" ni Tehsil Shakargarh at Distrito ng Narowal.