Palasyo Cuba
Ang Cuba ay isang palasyo sa lungsod ng Palermo sa Sicilia. Ito ay itinayo noong 1180 ni William II ng Sicilia sa kaniyang dakilang Maharlikang Parke, bilang kaniyang personal na tirahang pampahingahan, kasama ang isang artipisyal na lawa: nagpapakita ito ng malakas na impluwensiya mula sa sining ng Fatimid, dahil ito ay (bahagyang) idinisenyo at pinalamutian ng mga Arabong artista pa ring nakatira sa Palermo pagkatapos ng pananakop ng mga Normando noong 1072. Sa panahon ng pamamahala ng mga haring Bourbon sa Napoles ito ay naidugtong sa isang kuwartel. Noong ika-16 na siglo ito ay ginawang isang kolonya ng mga ketongin.