Palasyo ng Buckingham

(Idinirekta mula sa Palasyong Buckingham)

Ang Palasyo ng Buckingham (Ingles: Buckingham Palace NK /ˈbʌkɪŋəm/)[1] ay ang opisyal na tirahan at administratibong punong-tanggapan sa London ng monarko ng Reyno Unido.[a][2] Matatagpuan sa Lungsod ng Westminster, kadalasang sentro ang palasyo ng mga okasyon ng estado at makaharing hospitalidad. Naging sentrong lugar ito para sa mga Britaniko sa mga panahon ng kasayahan at pagluluksa.

Tanaw mula sa himpapwid ng palasyo na may maraming tao sa labas na ipinagdiriwang ang opisyal na ika-90 kaarawan ni Elizabeth II
Tanaw mula sa himpapawid ng Palasyo ng Buckingham noong opisyal na pagdiriwang ng ika-90 na kaarawan ni Reyna Elizabeth II noong 2016. Orihinal na nakumpleto ang prinsipal na harapan, ang Silangang Harapan, noong 1850, at binago noong 1913 ni Aston Webb.

Orihinal na kilala bilang Buckingham House (o Bahay Buckingham), ang gusali sa pusod ng palasyo ngayon ay isang malaking bahay-bayan (o townhouse) na itinayo para sa Duke ng Buckingham noong 1703 sa isang lugar na nasa pribadong pagmamay-ari sa hindi bababa ng 150 taon. Nakuha ito ni Haring George III noong 1761 bilang isang pribadong tirahan para kay Reyna Charlotte at naging kilala bilang The Queen's House (o Ang Bahay ng Renya). Noong ika-19 na dantaon, pinalaki ito ng mga arkitekto na sina John Nash at Edward Blore, na itinayo ang tatlong wing o nakakabit na gusali sa palibot ng gitnang patyo. Naging tirahan sa London ng monarkong Britaniko ang Palasyo ng Buckingham noong naluklok si Reyna Victoria noong 1837.

Mga pananda

baguhin
  1. Sa tradisyon, ang Britanikong Korteng Makahari ay ang opisyal na tirahan sa Palasyo ng St James, na nangangahulugan na, samanatalang tinatanggap ang mga bagong hirang na embahador ng soberanong Britaniko sa Palasyo ng Buckingham, inaakreditado sila sa "Korte ng Palasyo ng St James". Pinagpapatuloy ang ganitong anomalya para sa alang-alang ng tradisyon, habang opisyal na tirahan ang Palasyo ng Buckingham. Tingnan ang Kasaysayan ng Palasyo ng St James. (Opisyal na websayt ng Monarkiyang Britaniko).

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Buckingham". Collins Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 22 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Buckingham Palace" (sa wikang Ingles). Royal Household. 12 Nobyembre 2015. Nakuha noong 21 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)