Palatanungan
Ang palatanungan o kuwestiyonaryo (Ingles: questionnaire, question sheet, survey, opinion poll, test, exam, examination, quiz) ay isang pangkat ng nakalimbag o nakasulat na mga tanong na mayroong mapagpipiliang mga sagot, na idinisenyo para sa mga layunin ng isang naig-sukat, pagsusuri, pag-uusisa o pagsisiyasat o pag-aaral na pang-estadistika. Isa itong kapangkatan ng mga katanungan na inisip at ibinalangkas bilang isang metodo ng pananaliksik upang makatamo ng mga kasagutan para sa mga tiyak na mga tanong.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 566.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.