Palaulatang Suweko
Ang Palaulatang Suweko (Suweko: Statistiska centralbyrån, [1]SCB) ay isang pangasiwaang pampamahalaan ng Suwesya na may katungkulang lumikha ng mga tungkulaning palaulatan ukol sa Suwesya. Noon pang taong 1686 nagkaroon ang Suwesya ng palaulatang pambansa kung kailan ang mga parokya ng Simbahan ng Suwesya ay naatasang panatilihin ang mga talaan ukol sa santauhan. Ang dating pangasiwaan ay tinatawag na Tabellverket ("tanggapan ng mga talaan"), na itinatag noong 1749, at ang kasalukuyang katawagan ay ginamit simula noong 1858.
Statistiska centralbyrån | |
Ang tanggapan sa Örebro | |
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | 1858 |
Punong himpilan | Estokolmo |
Empleyado | 1,350 (2015)[1] |
Tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na kagawaran | Kagawaran sa Pananalapi |
Websayt | www.scb.se/en |
Magmula noong 2015[update], ang pangasiwaan ay mayroong tinatayang 1,350 mga manggagawa. Ang tanggapan ng pangasiwaan ay matatagpuan sa Estokolmo at Örebro.[1] Inilalathala ng Palaulatang Suweko ang Journal of Official Statistics.