Palazzo Mattei
Ang Palazzo Mattei di Giove ay ang pinakaprominente sa isang pangkat ng mga bahay na Mattei na bumubuo ng insula na Mattei sa Roma, Italya, isang bloke ng mga gusali mula sa maraming panahon.[1]
Upang makilala ang seksiyon na ito mula sa ibang nagdadala ng pangalan ng ibang Mattei fief, Giove. Ang Mattei ay nagmamay-ari ng ilan pang mga palazzo na nagdala ng pangalan ng pamilya kasama ang Palazzo Mattei di Trastevere pagtawid ng Tiber pati na rin ang mga pag-aari sa Umbria, ang Palazzo Mattei Paganica.[2]
Paglalarawan
baguhinIdinisenyo ni Carlo Maderno ang palasyo[3] sa simula ng ika-17 siglo para kay Asdrubale Mattei, Marquis di Giove at ama nina Girolamo Mattei at Luigi Mattei. Siya rin ay kapatid nina Ciriaco Mattei at Kardinal Girolamo Mattei. Si Maderno ang responsable para sa labis na pagpapalamuti ng kornisa sa kabila ng naunang payak na estukong patsada, ang piano nobile loggia sa patyo at ang loggia sa tuktok ng bubong o altana.[4]
Para sa loob ng palazzo, si Pietro da Cortona naatasang magsagawa ang pares ng mga komposisyon sa kisame ng galeriya, na mula noong 1626. Noong unang bahagi ng ika-19 na siglo, ang isang pangkat ng mga pinta mula sa koleksiyon sa palazzo ay binili ni William Hamilton Nisbet at inalis patungong Eskosya.
Tulad ng iba sa pamilyang Mattei, si Asdrubale Mattei ay isang masigasig na tagapagtaguyod ng sining. Naitalang tumira rito siMichelangelo Merisi da Caravaggio (mas kilala sa pinaikling Caravaggio) noong 1601.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Claudio Varagnoli, "Eredità cinquecentesca e apertura al nuovo nella costruzione di palazzo Mattei di Giove a Roma", Annali di Architettura: rivista del Centro Internazionale di Studi di Architettura "Andrea Palladio", nos. 10-11, (1998‑99).
- ↑ Roberto Piperno, "Palazzo Mattei"
- ↑ Howard Hibbard, Carlo Maderno and Roman Architecture, 1580-1630, 1971.
- ↑ L. Guerrini (ed.), Palazzo Mattei di Giove.( Le antichità, Rome), 1982; G. Panofsky-Soergel, "Zur Geschichte des Palazzo Mattei di Giove", Romisches Jahrbuch fur Kunstgeschichte, 11 (1967-68:111-88).