Palazzo Medici Riccardi
Ang Palazzo Medici, na tinatawag ding Palazzo Medici Riccardi matapos sa pamilya sa paglaon ay kinuha at pinalawak ito, ay isang palasyong Renasimiyentong matatagpuan sa Florencia, Italya. Ito ang luklukan ng Kalakhang Lungsod ng Florencia at isang museo.
Ang palasyo ay idinisenyo ni Michelozzo di Bartolomeo[1] para kay Cosimo de' Medici, pinuno ng pamilya ng pagbabangko ng Medici, at itinayo sa pagitan ng 1444[2] at 1484. Kilala ito sa masoneriya ng bato nito, na kinabibilangan ng mga elemento ng arkitektura ng rustikasyon at silyar.[3] Ang tatluhang palapag na ginamit dito ay nagpapahayag ng Renasimyentong diwa ng rasyonalidad, kaayusan, at klasisismo sa eskalang pantao. Ang tatluhang pagkakahating ito ay binibigyang-diin ng mga pahalang na hilera na naghahati sa gusali sa mga palapag na bumababa ang taas. Ang paglipat mula sa rustikong masoneriya ng unang palapag patungo sa mas pinong masoneriya ng ikatlong palapag ay ginagawang mas magaan at mas mataas ang gusali habang ang mata ay gumagalaw paitaas sa dakilang kornisa na nagtatakda ng dulo at malinaw na tumutukoy sa balangkas ng gusali.
Mga tala
baguhin- ↑ Fabriczy, Michelozzo di Bartolommeo, 38, 41f.
- ↑ Aby Warburg,,., "Die Baubeginn des Palazzo Medici", in Gesamelte Schriften, (Leipzig and Berlin) 1932: v. I, 165.
- ↑ Hatfield 1970, p. 235, Vespasiano da Bisticci estimated that the structure alone had cost 60,000 ducats; the inventory of moveables in 1492 totalled just over 81,000.
Bibliograpiya
baguhin- Hatfield, Rab (September 1970). "Some Unknown Descriptions of the Medici Palace in 1459". The Art Bulletin. 52 (3): 232–249.CS1 maint: ref=harv (link)