Ang Palazzo Spada ay isang palasyo na matatagpuan sa Piazza di Capo Ferro # 13 sa rione Regola ng Roma, Italya. Nakatayo malapit sa Palazzo Farnese, mayroon itong hardin na nakaharap patungo sa ilog Tiber .

Ang patsada ng Palazzo Spada.
Galeriyang may sapilitang perspektibo ni Francesco Borromini. Ang pasilyo ay mas maikli, at ang eskultura mas maliit, kaysa kung ano ang nakikita.

Ang palasyo ay tahanan ng isang malaking koleksiyon ng sining, ang Galleria Spada. Ang koleksiyon ay orihinal na tinipon ni Kardinal Bernardino Spada noong ika-17 siglo, at ng kaniyang kapatid na si Virgilio Spada, at idinagdag ng kanyang apo na si Cardinal Fabrizio Spada.

baguhin