Palazzo dei Notai
Ang Palazzo dei Notai ay isang makasaysayang gusali sa Boloni, Italya. Nakaharap ito sa Piazza Maggiore, sa pagitan ng basilica di San Petronio at palazzo d'Accursio. Ito ay itinayo noong 1381 ng gremyo ng mga notaryo ng lungsod bilang kanilang luklukan, sa ilalim ng disenyo nina Berto Cavalletto at Lorenzo da Bagnomarino.
Ang isa pang seksiyon na nakaharap sa Palazzo d'Accursio ay muling ginawa ni Bartolomeo Fioravanti bandang 1437. Muli itong ipinanumbalik noong 1908 ni Alfonso Rubbiani.