Paleontolohiya
Ang pinakapayak na kahulugan ng paleontolohiya ay ang "pag-aaral ng sinaunang buhay".[1] Naghahanap ang paleontolohiya ng impormasyon o kabatiran hinggil sa ilang mga aspeto ng mga nakalipas na mga organismo: ang kanilang katauhan at pinagmulan, ang kanilang kapaligiran at ebolusyon, at kung ano ang masasabi nila tungkol sa organiko at inorganikong nakaraan ng Mundo.[2] Sa isang banda, masasabi rin na ang paleontolohiya ay ang pag-aaral ukol sa mga kusilba o mga posil, ang mga natabunang labi o bakas ng sinaunang mga hayop at mga halaman, kung saan nakikita ang mga anyo ng mga nabubuhay na bagay noong kauna-unahang mga kapanahunan.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Cowen, R. (2000). History of Life (ika-Ika-3 (na) edisyon). Blackwell Science. p. xi. ISBN 063204444-6.
- ↑ Laporte, L.F. (1988). "What, after All, Is Paleontology?". PALAIOS. 3 (5): 453. doi:10.2307/3514718. Nakuha noong Setyembre 17, 2008.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong) - ↑ Gaboy, Luciano L. Paleontology - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.