Palinolohiya

(Idinirekta mula sa Palynology)

Ang palinolohiya (Ingles: palynology) ay ang agham na nag-aaral ng kontemporaryo at posil na mga palinomorpo, kabilang na ang mga bulo, mga ispora, mga orbikula, dinoplaheladong mga bukol, mga akritarko, mga kinotosoano at mga iskolekodonta, kasama ng partikuladong organikong materya (POM) at kerohenong natatagpuan sa mga batong sedimentaryo at mga sedimento. Hindi kasama sa palinolohiya ang mga diatoma, pormaniniperano o iba pang mga organismong may mga eksoiskeletong silisyoso (may silika o silicon dioxide) o kalkaryoso (may calcium carbonate, matisa, o maapog).

Ang palinolohiya ay isang agham na interdisiplinaryo at isang sangay ng agham na pandaigdig (heolohiya o agham na pangheolohiya) at agham na pambiyolohiya (biyolohiya), partikular na ang agham na panghalaman (botanika). Ang palinolohiyang pang-istratigrapiya ay isang sangay ng mikropaleontolohiya at paleobotaniya (paleobotanika) na nag-aaral ng posil na mga palinomorpong nagmula sa kapanahunang Precambrian hanggang sa kapanahunang Holoseno.

Ang mga siyentipikong dalubhasa sa larangan ng palinolohiya ay tinatawag na mga palinolohista (palynologist sa Ingles) o palinologo, na nagiging palinologa kung babae.

Botanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.