Pamahalaang pederal ng Estados Unidos

(Idinirekta mula sa Pamahalaan ng Estados Unidos)

Ang pamahalaan ng Estados Unidos ay ang pamahalaang pederal ng republikang konstitusyonal ng mga limampung mga estado na bumubuo ng Estados Unidos gayundin ang isang distritong kapitolyo at ilang mga iba pang teritoryo. Ang pamahalaang pederal ng Estados Unidos ay binubuo ng mga tatlong natatanging sangay: ang lehislatibo, ehekutibo at hudikatura na mga kapangyarihang ipinagkaloob ng Saligang Batas ng Estados Unidos ng respektibo sa Kongreso ng Estados Unidos, Pangulo ng Estados Unidos at mga Hukumang pederal ng Estados Unidos. Ang mga kapangyarihan at katungkulan ng mga sangay na ito ay karagdagan pang inilalarawan ng mga akto ng Kongreso kabilang ang paglikha ng mga kagawarang ehekutibo at mga hukumang mas mababa sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos.

Ang sistemang pampolitika ng Estados Unidos.

Ang buong pangalan ng republika ay "The United States of America". Walang ibang pangalan ang lumilitaw sa Saligang Batas at ang pangalang ito ang lumilitaw sa mga salapi, mga kasunduan at sa mga kasong pambatas na ito ay isang partido (e.g., Charles T. Schenck v. United States). Ang mga katagang "Government of the United States of America" o "United States Government" ay kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento upang ikatawan ang pamahalaang pederal bilang natatangi mula sa mga sama samang estado. Ang mga katagang "Federal" o "National" sa ahensiya ng pamahalaan ay pangakalahatang nagpapakita ng kaugnayan sa pamahalaang pederal (e.g., Federal Bureau of Investigation, National Oceanic and Atmospheric Administration, etc.). Dahil ang upuan ng pamahalaan ay nasa Washington D.C., "Washington" ay karaniwang ginagamit bilang metonym para sa pamahalaang pederal.

Kasaysayan

baguhin

Ang rehime o pamumunong pederal ng Estados Unidos ay nagsimula pa noong 1789 at itinuturing bilang ang kauna-unahang bagong pambansang pederasyon sa buong mundo. Kahit na ganoon, ang mga nilalaman ng pederalismong Amerikano ay pinagtatalunan simula pa ng pagkakatatag at pagsasabatas ng Saligang Batas na ang ibang partido ay ipinagtatalo ang pambansang pagpapalawig ng kapangyarihan at ang iba naman ay pinaikli at mahigpit na ipinagbibigay-kahulugan bilang an pag-iisa-isa ng mga pambansang kapangyarihan ng pamahalaan sa Saligang Batas.

Simula noong Digmaang Sibil ng Estados Unidos, ang kapangyarihan ng pamahalaang pederal ay lalo pang pinalawig ngunit may mga panahon mula nito na ang sangay na lehislatibo ay nananaig o nagkaroon ng mga pagkakataon na ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ng estado ay nagtagumpay sa paglalagay ng hangganan sa kapangyarihan ng pederal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga gawain ng tagasapagbatas, karapatan ng tagapaganap o ng pagpapahayag ng Saligang Batas ng mga hukuman.[1][2]

Ang isa sa mga teoretikal na haligi ng Saligang Batas ng Estados Unidos ang idea ng mga tseke at balanse sa mga kapangyarihan at mga responsibilidad ng mga tatlong sangay ng pamahalaang Amerikano: ang sangay na ehekutibo, ang sangay na lehislatibo at sangay na hudikatura. Halimbawa, bagaman ang lehislatibo(Kongreso) ay may kapangyarihang lumikha ng batas, ang ehekutibo(Pangulo) ay maaaring mag-veto ng anumang lehislasyon na isang aktong maaari namang panaigan ng Kongreso. Ang Pangulo ay humihirang ng mga hukom sa Kataas-taasang Hukuman(Korte Suprema) ngunit ang mga hinirang ay dapat aprobahan ng Kongreso. Ang Kataas-taasang Hukuman ay may kapangyarihan namang magpawalang bisa bilang "hindi konstitusyonal" ang anumang batas na ipinasa ng Kongreso. Ang namumuno namumuno ng pamahalaang pederal ay nasa Distrito ng Columbia.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 'The Influence of State Politics in Expanding Federal Power,' Henry Jones Ford, 'Proceedings of the American Political Science Association, Vol. 5, Fifth Annual Meeting (1908)' Jstor.org Hinango noont 17 Marso 2010
  2. "Judge Rules Favorably in Pennsylvania BRAC Suit (Associated Press, 26 Agosto)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-05. Nakuha noong 2010-06-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2020-08-05 sa Wayback Machine.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.