Pamantasang Carnegie Mellon
Ang Pamantasang Carnegie Mellon (Ingles: Carnegie Mellon University o CMU /ˈkɑːrnᵻɡi ˈmɛlən/ o /kɑːrˈneɪɡi ˈmɛlən/) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Pittsburgh, Pennsylvania, sa Estados Unidos.
Itinatag noong 1900 ni Andrew Carnegie bilang ang Carnegie Technical Schools, ang unibersidad ay naging ang Carnegie Institute of Technology noong 1912 at nagsimulang maggawad ng mga digring apat na taon. Noong 1967, ang Carnegie Institute of Technology ay isinanib sa Mellon Institute of Industrial Research upang buuin ang Pamantasang Carnegie Mellon.
Ang Carnegie Mellon ay merong humigit-kumulang 14,000 mag-aaral mula 114 bansa, higit sa 100,000 buhay na alumno, at mahigit 5,000 guro at kawani. Ang mga dati at kasalukuyang guro at alumno ay kinabibilangan ng 20 Nobel Prize Laureates, 12 Turing Award winners, 22 miyembro ng American Academy of Arts & Sciences, 19 fellows ng American Association for the Advancement of Science, 72 miyembro ng National Academies, 114 Emmy Award winners, 44 Tony Award laureates, at 7 Academy Award winners.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Randy Pausch's Last Lecture: Really Achieving Your Childhood Dreams" (PDF). Randy Pausch. Nakuha noong Mayo 7, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
40°26′33″N 79°56′36″W / 40.4425°N 79.9433°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.