Pamantasang Cayetano Heredia

Ang Pamantasang Cayetano Heredia (Ingles: Cayetano Heredia University, Kastila: Universidad Peruana Cayetano Heredia, UPCH ; o simpleng Cayetano Heredia) ay isang pribadong unibersidad na matatagpuan sa Lima, Peru. Ipinangalan ito kay Cayetano Heredia, isa sa mga kilalang manggagamot ng Peru noong ika-19 siglo. Ang unibersidad ay tinitingnan ng isang lupong tagapangalaga (patronato) at hindi pag-aari ng anumang entidad na pribado o estado. Ito ay itinuturing na isa sa mga nangungunang paaralang medikal sa Peru, kasama ang Fakultad ng Medisina "San Fernando" ng Pambansang Unibersidad ng San Marcos, at kasalukuyang isa sa mga pangunahing prodyuser at tagapaglimbag ng siyentipikong pananaliksik sa bansa.

Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.