Pamantasang Estatal ng Campinas
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Campinas (Portuges: Universidade Estadual de Campinas; Ingles: University of Campinas), karaniwang tinatawag na Unicamp, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa lungsod ng Campinas, estado ng São Paulo, Brazil, at isa sa mga pinakamahusay na mga unibersidad sa bansa at sa buong Latin America.[1][2]
Ang Unicamp ay responsable sa 15% ng pananaliksik sa Brazil,[3] na masasabing napakataas na bilang kung inihambing sa mas malaki at mas matandang mga institusyon sa bansa tulad ng Unibersidad ng São Paulo.[4] Ito rin ay nakapagprodyus ng higit pang mga patente kaysa sa anumang organisasyon sa pananaliksik sa Brazil, pangalawa lamang sa kumpanyang pampamahalaan ng langis, ang Petrobras.[5] Marami sa mga pandaigdigang pagraranggo ng unibersidad ay inililista ito sa hanay ng mga pinakamahusay na unibersidad sa mundo. Halimbawa, sa QS Rankings ay nakahanay ang pamantasan sa Top 200 sa buong mundo at ika-11 sa pinakamahusay na mga unibersidad sa ilalim ng 50 taon.[6] Noong 2015, ang Unicamp ay binigyan ng grado bilang ang pinakamahusay na unibersidad sa bansa ayon sa Ministri ng Edukasyon ng Brazil.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "QS University Rankings: Latin America 2015". Nakuha noong 2016-02-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ASCOM. "A melhor do Brasil | UNICAMP – Universidade Estadual de Campinas". Nakuha noong 2016-01-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Unicamp é a universidade com mais cursos bem avaliados, segundo MEC" (sa wikang Portuges). Nakuha noong 2016-02-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Criação da Unicamp" Naka-arkibo 2016-06-16 sa Wayback Machine..
- ↑ "The 2015 CWUR World University Rankings are out now". Nakuha noong 2016-01-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "QS Top Universities".
- ↑ "Unicamp é a universidade com mais cursos bem avaliados, segundo MEC" (sa wikang Portuges). Nakuha noong 2016-01-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
22°49′02″S 47°04′10″W / 22.8172°S 47.0694°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.