Pamantasang Estatal ng Haiti
Ang Pampamahalaang Unibersidad ng Haiti (UEH) (Pranses: Université d'Etat d'Haïti; Ingles: State University of Haiti) ay isa sa mga pinakaprestihiyosong institusyon ng mas mataas na edukasyon sa bansang Hayti. Ito ay matatagpuan sa Port-au-Prince.
University of Haiti | |
---|---|
Université d'Etat d'Haïti | |
Itinatag noong | 1820s |
Uri | Public university |
Rektor | Jean-Vernet Henry |
Lokasyon | |
Apilasyon | RESCIF |
Websayt | www.ueh.edu.ht |
Ang kasaysayan ng unibersidad ay mauugat sa 1820s, nang maitatag ang mga kolehiyo ng medisina at batas. Noong 1942, ang iba't ibang fakultad ay pinagsama-sama para maging Unibersidad ng Hayti. Dahil sa mga protestang isainagawa ng mga mag-aaral noong dekada 60, iniutos ng gobyerno ni François Duvalier na isailalim ang unibersidad sa matatag na kontrol ng pamahalaan at pinalitan ang pangalan nito bilang ang Pampamahalaang Unibersidad ng Hayti (State University of Haiti). Noong 1983, ang Unibersidad ay naging isang independiyenteng institusyon ayon sa saligang-batas ng Hayti. Ang independiyenteng katayuan ng Unibersidad ay kinumpirma pa ng saligang batas ng 1987.
Ang mga mga gusali ng pamantasan ay higit na nawasak noong lindol ng 12 Enero 2010. Tinulungan ng isang konsorsyum ng historicaly black colleges sa Estados Unidos ang pagsasaayos ng bahagi ng kampus.[1]
Pagkatapos ng lindol, tinustusan ng gobyerno ng Republikang Dominikano ang pagtatayo ng isang bagong kampus ng unibersidad malapit sa bayan ng Limonade sa hilagang Hayti, na tinatawag na Université Roi Henri Christophe.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Black colleges help rebuild State University of Haiti". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-25. Nakuha noong Pebrero 21, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-05-25 sa Wayback Machine. - ↑ "Haiti Officially Opens Roi Henri Christophe Campus in Limonade". Caribbean Journal. Nakuha noong 23 Marso 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)