Pamantasang Estatal ng Kansas

Ang Pamantasang Estatal ng Kansas (Ingles: Kansas State University, KSU), na karaniwang kilala sa tawag na Kansas State o K-State, ay isang pampublikong unibersidad na pananaliksik na may pangunahing kampus sa lungsod ng Manhattan, Kansas, Estados Unidos. Ang Kansas State ay binuksan bilang land-grant na kolehiyo ng estado noong 1863 at siyang unang pampublikong institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa estado ng Kansas.[1][2]

Hale Library
Anderson Hall

Ang unibersidad ay nauuri bilang isa sa 115 na mga unibersidad sa pananaliksik na may pinakamataas na aktibidad sa pananaliksik (R1) ayon sa Carnegie Classification of Institutions of Higher Education.

Mayroong mga sangay na kampus ang unibersidad sa mga lungsod ng Salina at Olathe . Ang Kansas State University Polytechnic Campus sa Salina ay tahanan ng College of Technology and Aviation. Ang Olathe Innovation Campus ay may pagtuon sa gradwadong pag-aaral sa bioenerhiya, kalusugan ng hayop, agham ng halaman, kaligtasan ng pagkain, at seguridad. [3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Collections of the Kansas State Historical Society Volume 6.
  2. General Laws of the State of Kansas.
  3. "K-State Olathe Innovation Campus, Inc" (Ingles). Nakuha noong Abril 30, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

39°11′30″N 96°34′51″W / 39.1917°N 96.5808°W / 39.1917; -96.5808   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.