Pamantasang Estatal ng San Diego
Ang Pamantasang Estatal ng San Diego (Ingles: San Diego State University, SDSU) ay isang unibersidad sa pananaliksik sa publiko sa San Diego, California, Estados Unidos. Itinatag noong 1897 bilang San Diego Normal School, ito ang pangatlong pinakalumang unibersidad sa 23-member na California State University (CSU) system. Higit na sa 280,000 ang nagtapos sa unibersidad.
Ito ay may klasipikasyong "Doctoral Universities: High Research Activity". Sa ulat ng Faculty Scholarly Productivity Index na inilabas ng Academic Analytics organization ng Stony Brook, New York, ang SDSU ay nangunguna bilang maliit na pamantasan sa pananaliksik sa Estados Unidos noong mga taong 2006 at 2007.[1] Ang SDSU ang nag-iisponsor sa pangalawang pinakamataas na bilang ng mga Fulbright Scholars sa estado ng California, kasunod ng UC Berkeley.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "SDSU Receives Top Research Distinction for Second Straight Year". SDSUniverse.com (Nov. 26, 2007)
32°46′31″N 117°04′20″W / 32.7753°N 117.0722°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.