Pamantasang Haring Abdulaziz

Ang Pamantasang Haring Abdulaziz (Ingles: King Abdulaziz University) (KAU) (Arabe: جامعة الملك عبد العزيز‎) ay isang pampublikong unibersidad sa Jeddah, Saudi Arabia. Itinatag ito noong 1967 bilang isang pribadong unibersidad sa pamamagitan ng isang grupo ng mga negosyante na pinamunuan ni Muhammad Abu Bakr Bakhashab at kung saan kabilang ang manunulat na si Hamza Bogary.[1] Noong 1974, ang unibersidad ay naging pampublikong institusyon sa pamamagitan ng isang desisyon ng Konseho ng mga Ministro ng Saudi Arabia sa ilalim ng atas ni Haring Faisal. Noong 2016, ito ay niraranggo bilang nangungunang pamantasang Arabe ayon sa Times Higher Education.[2]

Bakuran ng unibersidad

Mga sanggunian

baguhin
  1. King Abdulaziz University list of founders.
  2. "Arab universities: The kingdom is king". The Economist. 2 Abril 2016. Nakuha noong 3 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.