Pamantasang Makerere
Ang Pamantasang Makerere o Makerere University Kampala (MUK) sa Ingles ( /məˈkɜrərɪ/ mə-KAIR-uh-ree)[4] ay ang pinakamalaki at ikatlong pinakamatandang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa Uganda, na unang itinatag bilang isang paaralang teknikal noong 1922. noong 1963, ito naging University of East Africa, nag-aalok ng mga kurso na humahantong sa pangkalahatang grado mula sa University of London. Ito ay naging isang malayang pambansang unibersidad noong 1970 nang ang University of East Africa ay hinati sa tatlong mga independiyenteng mga unibersidad: Unibersidad ng Nairobi (Kenya), Unibersidad ng Dar es Salaam (Tanzania), at Pamantasang Makarere. Ngayon, ang Pamantasang Makerere ay binubuo ng siyam na kolehiyo at isang paaralan na nag-aalok ng mga programa para sa 36,000 undergraduates at 4,000 postgraduates.
Makerere University | |
---|---|
Itinatag noong | 1922 |
Uri | Public |
Kansilyer | Ezra Suruma[1] |
Pangalawang Kansilyer | John Ddumba Ssentamu[2][3] |
Mag-aaral | 40,000+ (2015) |
Lokasyon | , 00°21′00″N 32°34′03″E / 0.35000°N 32.56750°E |
Kampus | Urban |
Websayt | Homepage |
Ayon sa U.S. News & World Report, ang Makerere ay ang ikawalong pinakamahusay na unibersidad sa Afrika at ika-569 pinakamahusay na unibersidad sa buong mundo. Para naman sa Times Higher Education World University Rankings, para sa 2016 pagraranggo nito, ang unibersidad ay ang ika-apat sa Afrika.[5]
Ilang taon matapos ang kasarinlan ng Uganda, ang Makerere ay naging isang sentro para sa mga aktibidad pampanitikan na malaki ang ambag sa kulturang makabayan ng rehiyon. Maraming mga kilalang mga manunulat, kabilang sina Nuruddin Farah, Ali Mazrui, David Rubadiri, Okello Oculi, Ngũgĩ wa Thiong'o, John Ruganda, Paul Theroux, V. S. Naipaul at Peter Nazareth, ay nasa Makerere sa isang punto ng kanilang karera sa pagsusulat at akademiya.
Mga akademikong yunit
baguhinMga kolehiyo
baguhin- Kolehiyo ng Agrikultura at Agham Pangkapaligiran Naka-arkibo 2013-02-23 sa Wayback Machine.
- Kolehiyo ng Negosyo at Agham sa Pamamahala
- Kolehiyo ng Pagtutuos at Agham sa Impormasyon
- Kolehiyo ng Edukasyon at Araling Eksternal
- Kolehiyo ng Enhinyeriya, Disenyo, Sining at Teknolohiya Naka-arkibo 2014-01-06 sa Wayback Machine.
- Kolehiyo ng Agham Pangkalusugan
- Kolehiyo ng Humanidades at Mga Agham Panlipunan
- Kolehiyo ng Likas na Agham
- Kolehiyo ng Pagbebeterinaryo, Pagkukunang Hayop, at BioSeguridad
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ahimbisibwe, Patience (18 Enero 2016). "Dr. Suruma installed Makerere chancellor". Daily Monitor. Kampala. Nakuha noong 18 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kagolo, Francis (28 Agosto 2012). "Professor Ddumba Is New Makerere Vice Chancellor". New Vision (Kampala). Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hulyo 2015. Nakuha noong 30 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 13 July 2015[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ VC-MAK (6 Setyembre 2012). "Professor John Ddumba Ssentamu Takes Office, Pledges To Promote Makerere's Brand". Office of the Vice Chancellor, Makerere University (VC-MAK). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2014. Nakuha noong 30 Enero 2015.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2 May 2014[Date mismatch] sa Wayback Machine. - ↑ Peter Roach, Jane Setter, John Esling, eds., Cambridge English Pronouncing Dictionary (Cambridge University Press, 2011; ISBN 0521765757), p. 302.
- ↑ http://www.usnews.com/education/best-global-universities/africa