Pamantasang Meiji
Ang Pamantasang Meiji (Ingles: Meiji University, Hapon: 明治大学, Meiji daigaku) ay isang pribadong unibersidad na may mga kampus sa Tokyo at Kawasaki sa Hapon. Itinatag ito noong 1881 ng tatlong abugado sa panahon ng Meiji: Kishimoto Tatsuo, Miyagi Kōzō, at Yashiro Misao. Ito ay isa sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong unibersidad sa Tokyo.
May siyam na kaguruan ang unibersidad na may humigit kumulang 33,000 mag-aaral sa tatlong kampus sa Ochanomizu sa Chiyoda, Tokyo, distrito ng Izumi sa Suginami-ku, Tokyo, at kapitbahayan ng Ikuta sa Tama-ku, Kawasaki . Ang unibersidad ay isa sa 13 "Global 30" Project universities ng Hapon.
35°41′51″N 139°45′42″E / 35.697474°N 139.761588°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.