Pamantasang Mohammed V
Ang Pamantasang Mohammed V (Arabe: جامعة محمد الخامس; Ingles: Mohammed V University), sa Rabat, Morocco, ay itinatag noong 1957 sa ilalim ng isang maharlikang atas (Dahir). Ito ang unang modernong unibersidad sa Morocco matapos ang Unibersidad ng al-Qarawiyyin sa Fez.
Mohammed V University | |
---|---|
Itinatag noong | 1957 |
Apilasyong relihiyon | Islam |
Lokasyon | , |
Websayt | um5.ac.ma/um5r |
Ang unibersidad ay ipinangalan kay Mohammed V, ang dating Hari ng Morocco na namatay noong 1961. Noong 1993, ito ay nahati sa dalawang independiyenteng mga unibersidad:
- Pamantasang Mohammed V sa Agdal
- Pamantasang Mohammed V sa Souissi
Noong 2015, ang dalawang unibersidad ay muling pinagsanib, bilang Pamantasang Mohammed V, ngunit nanatiling dalawang magkahiwalay na kampus.
33°59′54″N 6°50′38″W / 33.99833°N 6.84382°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.