Pamantasang Normal ng Beijing

Ang Pamantasang Normal ng Beijing (Ingles: Beijing Normal UniversityBNU, : 北京师范大学), kolokyal na kilala bilang 北师大 o Beishida, ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Beijing, Tsina, na may diin sa disiplina ng humanidades at mga agham. Ito ay isa sa pinakamatanda at pinakaprestihiyosong unibersidad sa Tsina.

Memoryal para sa tatlong mag-aaral na namatay noong Masaker ng Marso 18, 1926
Kampus

Ang terminong "paaralang normal" ay tumutukoy sa isang institusyon na naglalayong sanayin ang mga guro sa paaralan, sa unang bahagi ng ikadalawampu siglo. Ang terminolohiyang ito ay pinanatili sa opisyal na pangalan ng mga naturang institusyon sa Tsina kahit na nakatanggap ang mga paaralan ng estado ng unibersidad at pinalawak upang mag-alok ng mga kurso na lampas sa pag-aaral ng edukasyong pangguro.

39°57′26″N 116°21′45″E / 39.9572°N 116.3625°E / 39.9572; 116.3625 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.