Pamantasang Northeastern
Ang Pamantasang Northeastern (Ingles: Northeastern University, NU, dating NEU) ay isang pribadong unibersidad sa pananaliksik sa Boston, Massachusetts, Estados Unidos na itinatag noong 1898. Ito ay ikinategorya bilang isang institusyong R1 (pamantasang doktoral) ng Carnegie Classification. Ang unibersidad ay nag-aalok ng mga programa sa antas undergraduate at gradwado sa pangunahing kampus nito sa erya ng Fenway-Kenmore, Roxbury, South End, at Back Bay ng Boston. Ang unibersidad ay may mga sangay na kampus sa Charlotte, North Carolina; Seattle, Washington; at San Jose, California na nag-aalok ng eksklusibong digring gradwado. Isang karagdagang sangay ang binuksan sa Toronto, Ontario, Canada sa huling bahagi ng 2016.[1] Ang unibersidad ay merong humigit-kumulang 18,000 undergraduate na mag-aaral at 7,000 gradwadong mag-aaral.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Graduate Campuses | Graduate Campuses | Northeastern University". Nakuha noong Marso 23, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
42°20′24″N 71°05′18″W / 42.34°N 71.0883°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.