Pamantasang Savitribai Phule Pune
Ang Pamantasang Savitribai Phule Pune (Ingles: Savitribai Phule Pune University), dating Unibersidad ng Pune at Unibersidad ng Poona, ay isang pampublikong unibersidad sa Pune sa estado ng Maharashtra sa India. Itinatag noong 1949, ito ay nakakalat sa isang 411 akre (1.66 km2) na kampus. Ang unibersidad ay tahanan ng 43 kagawarang akademiko. Ang unibersidad ay pinangalanan kay Savitribai Phule, isang ika-19 siglong repormistang panlipunan na na kilala sa kanyang kontribusyon tungo sa pagsasakapangyarihan at pagpapalaya ng mga kababaihan sa pamamagitan ng edukasyon. Ang unibersidad ay may kaakibat na mga kolehiyo, kagawaran, at mga instituto ng pananaliksik, na pangunahin sa Pune, Ahmednagar at Nashik.
Ang Unibersidad ay isa sa mga nangunguna sa bansang India.
18°33′08″N 73°49′29″E / 18.552339°N 73.824621°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.