Pambansang Arkibo ng Brazil

(Idinirekta mula sa Pambansang Archive ng Brazil)

Ang Pambansang Arkibo ng Brazil (sa Portuges: Arquivo Nacional) ay ang pangunahing katawan para sa Sistema ng Pamamahala ng mga Dokumentong Arkibal (sa Portuges: Sistema de Gestão de Documentos de Arquivo – SIGA[1]) sa Brazil. Nilikha ito noong Enero 2, 1838 at nakabase sa Rio de Janeiro. Ayon sa Batas ng Mga Arkibos (Batas 8.159) ng Enero 8, 1991, may tungkulin na mag-organisa, mag-imbak, mag-ingat, magbigay ng pahintulot na makuha at ibunyag ang dokumentaryong pamana ng pederal na pamahalaan, na naglilingkod sa estado at mga mamamayan. [2]

Logo ng Pambansang Arkibo ng Brazil

Ang koleksyon ng Pambansang Arkibo ay naglalaman ng 55 km ng tekstong mga dokumento; 2,240,000 litrato at negatibo; 27,000 mga guhit, mga kartun; 75,000 mga mapa at mga plano; mga 7000 disc at mga 2000 magnetikong tape; mga 90,000 rolyo ng pelikula at 12,000 mga bidyong tape. Mayroon din itong aklatan na nagdadalubhasa sa kasaysayan, arkibo, agham ng impormasyon, batas sa administrasyon at pampublikong pangangasiwa, na may humigit-kumulang 43,000 mga aklat at 900 na pahayagan at 6,300 bihirang mga gawa. [3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "SIGA". siga.arquivonacional.gov.br (sa wikang Portuges). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2018. Nakuha noong 20 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.planalto.gov.br/ccivil_03/LEIS/L8159.htm
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-20. Nakuha noong 2018-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)