Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan

Ang Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (sa Ingles: National Commission on Indigenous People o NCIP) ay ang ahensiya ng pambansang pamahalaan ng Pilipinas na may pananagutan sa pagsanggalan ng mga karapatan ng mga katutubong mamamayan sa Pilipinas.[1] Binubuo ang komisyong ng pitong komisyonado. Nakakabit ito sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang komisyon bilang Kawanihan ng Di-Kristiyanong mga Tribu na nilikha ng Pamahalaang Insular noong Kolonisasyon ng Amerika sa Pilipinas.[2] Naging isang malayang ahensiya na tinawag na Komisyon sa Pambansang Integrasyon (Commission on National Integration o CNI).[2] Noong 1972, ang noong Pangulong Ferdinand Marcos ay hinati ang CNI sa dalawang ahensiya ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Katimugang Pilipinas (Southern Philippine Development Authority o SPDA) at ang Pampangulong Tulong sa mga Pambansang Minorya (Presidential Assistance on National Minorities o PANAMIN).[2] Noong 1984, nilikha ni Marcos ang Tanggapan ng Ugnayang Pang-Muslim at Pamayanang Pangkultura (Office of Muslim Affairs and Cultural Communities o OMACC) upang tulungan ang parehong mga Muslim at di-Muslim na minorya.[2]

Noong Enero 1987, ang noong Pangulong Cory Aquino ay binuwag ang OMACC at sa pamamagitan ng tatlong Kautusang Tagapagpaganap, nalikha ang Tanggapan para sa Ugnayang Pang-Muslim (Office for the Muslim Affairs o OMA), ang Tanggapan para sa Kahilagaang Pamayanang Pangkultura (Office for Northern Cultural Communities o ONCC), at ang Tanggapan para sa Katimugang Pamayanang Pangkultura (Office for Southern Cultural Communities o OSCC).[2]

Noong 1997, ang Batas Republika Blg. 8371 o Batas para sa mga Karapatan ng mga Katutubong Mamamayan ng 1997 ay pinagsama ang dalawang tanggapan ng Tanggapan para sa Kahilagaang Pamayanang Pangkultura at Tanggapan para sa Katimugang Pamayanang Pangkulturasa kasalukuyang komisyon.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "History of the National Commission on Indigenous Peoples of the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-06. Nakuha noong 2016-06-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-06-06 sa Wayback Machine.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "About us: History" (sa wikang Ingles). National Commission on Indigenous Peoples Region VI and VII. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Marso 2018. Nakuha noong 28 Oktubre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)