Pambansang Makasasayang Pook ng Canada

BC
AB
SK
MB
ON
QC
NB
PE
NS
NL
YT
NT
NU
Canadian Provinces and Territories
Pambansang Makasaysayang Pook ng Canada

Ang mga Pambansang Makasaysayang Pook ng Canada (Ingles: National Historic Sites of Canada Pranses: Lieux historiques nationaux du Canada) ay mga lugar na itinalaga ng pederal na Ministro ng Kapaligiran sa payo ng Lupon ng Makasaysayang Pook at Monumento ng Canada o Historic Sites and Monuments Board of Canada (HSMBC) sa Ingles, bilang isang pook na may pambansang makasaysayang kabuluhan.[1][2] Ang Parks Canada, isang ahensyang pederal, ang namamahala sa programa ng Pambansang Makasaysayang Pook. Hanggang Agosto 2019, mayroong 996 Pambansang Makasaysayang Pook,[3][4] 172 na pinangangasiwaan ng Parks Canada; ang natitira ay pinamamahalaan o pinag-aarian ng iba pang mga antas ng gobyerno o mga pribadong entidad.[5] Matatagpuan ang mga pook sa lahat ng sampung lalawigan at tatlong teritoryo, na may dalawang pook na matatagpuan sa Pransya (ang Mémorial terre-neuvien de Beaumont-Hamel at Mémorial national du Canada à Vimy).[6]

Mayroong mga kaugnay na pagtatalagag pederal para sa Pambansang Makasaysayang Kaganapan at Pambansang Makasaysayang Tao.[7] Bawat Pook, Kaganapan at Tauhan ay karaniwang minarkahan ng isang plakang pederal ng parehong estilo, ngunit hindi ipinapahiwatig ng mga marka kung aling pagtatalaga ang ibinigay rito. Ang Kanal Rideau ay isang Pambansang Makasaysayang Pook, habang ang Kanal Welland ay isang Pambansang Makasaysayang Kaganapan.[8]

Kasaysayan

baguhin

Maagang pagbubuo

baguhin
 
Naging katalista ang mga pagdiriwang ng trisentenaryo ng Lunsod ng Quebec noong 1908 para sa mga pagpupunyaging pederal na italaga at preserbahin ang mga makasaysayang pook.
 
Ang Kutang Prinsipe ng Gales sa Churchill, Manitoba ay isa sa unang dalawang pook na itinalaga sa Kanlurang Canada.[9]

Humantong ang umusbong na Kanadyenseng damdaming nasyonalista sa huling bahagi ng ika-19 na siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo sa pagtaas ng interes sa pagpapanatili ng mga makasaysayang pook ng Canada.[10] Nagkaroon ng mga naggalbanisang kasumundan sa mga ibang bansa. Sa suporta ng mga taong litaw tulad ni Victor Hugo at Eugène Viollet-le-Duc, nilikha ang Commission des monuments historique sa Pransya noong 1837; inilathala nito ang unang talaan ng mga itinalagang pook na naglalaman ng 934 tala noong 1840. Sa Reyno Unido, nilikha ang Pambansang Pundasyon para sa Mga Pook ng Makasaysayang Kapakanan o Likas na Kagandahan noong 1894 upang maprotektahan ang makasaysayang at likas na pamana ng bansa.[11][12] Habang walang Pambansang Serbisyong Liwasan sa Estados Unidos hanggang 1916, hinirang at pinamamahalaan ang mga larangan ng digmaang sibil ng Kagawaran ng Digmaan: Chickamauga at Chattanooga (nilikha noong 1890), Antietam (1890), Shiloh (1894), Gettysburg (1895), Vicksburg (1899), at Chalmette (1907).[13][14]

Sa loob ng bansa, nagpasimula si Lord Dufferin, ang Gobernador Heneral mula 1872 hanggang 1878, ng ilan sa pinakamaagang, pinakasikat na mga pagtatangka na preserbahin ang mga makasaysayang pook ng Canada. Nakasangkapan siya sa paghinto ng demolisyon ng mga kuta ng Lungsod ng Quebec, at siya ang unang pampublikong opisyal na naghimok para sa pagtayo ng isang liwasan sa mga lupain na katabi ng Talon ng Niagara.[14][15]

Ang trisentenaryo ng pagtatatag ng Lungsod ng Quebec noong 1908, at ang pagtatatag sa parehong taon ng Pambansang Komisyon ng mga Larangan ng Digmaan upang mapanatili ang Kapatagan of Abraham, ay naging katalista sa mga pagpupunyaging pederal upang italaga at preserbahin ang mga makasaysayang pook sa buong Canada.[16] Kasabay nito, naghanap ang pamahalaang pederal ng mga paraan upang mapalawak ang sistema ng Pambansang Liwasan sa Silangang Canada.[10] Ang mas pinapanirahang silangan ay walang malalaking sukat ng di-nabubungkal na lupain ng Korona na naging mga liwasan sa kanluran, kaya't tumingin ang Dominion Parks Branch (ang hinalinhan ng Parks Canada) sa mga makasaysayang tampok na magsisilbi bilang kalagitnaan para sa mga bagong pambansang liwasan. Noong 1914, nagsagawa ang Parks Branch ng sarbey ng mga makasaysayang lugar sa Canada na may layunin na magtayo ng mga bagong pook panlibangan sa halip na preserbahin ang mga makasaysayang lugar. Itinalaga ang Kutang Howe sa Saint John, New Brunswick bilang isang pambansang makasaysayang liwasan noong 1914, na pinangalanang "Fort Howe National Park". Itong kuta ay hindi pook na may makabuluhang pambansang makasaysayang kahalagahan, ngunit nagbigay ng katwiran ang pagtatalaga nito para sa pagkakamit ng lupa para sa isang liwasan. Itinalaga rin ang Kutang Anne sa Annapolis Royal, Nova Scotia noong 1917.[17]

Noong 1919, nag-aalala si William James Roche, ang Ministro ng Panloob, ay tungkol sa kapalaran ng mga lumang kalakalan ng balahibo sa Kanlurang Canada, at ipinakampanya rin siya ng mga makasaysayang asosasyon sa buong Canada para sa pederal na pondo upang makatulong sa pangangalaga at paggunita ng lokal mga muhon. Sa parehong oras, nabalisa ang Kagawaran ng Militia at Depensa na ilipat ang mga lumang kuta, at ang mga kaugnay na gastos, sa Parks Branch. Hiniling ni Roche kay James B. Harkin, ang unang Komisyonado ng Dominion Parks na bumuo ng patakaran sa pamana sa departamento. Naniwala si Harkin na kulang ang kadalubhasaan ng Parks Branch upang pamahalaan ang makasaysayang yaman; nabagabag siya sa medyo kakaunting makasaysayang halaga ng Kutang Howe, ang unang makasaysayang liwasan ng bansa, at natakot na hindi katugma ang mga pagpapabuti ng liwasan ng Branch sa mga katangian ng pamana ng Kutang Anne, ang pangalawang makasaysayang liwasan.[18]

Lupon ng Makasaysayang Pook at Monumento ng Canada

baguhin
 
Ang unang pokus ng programa ay sa paggunita lamang sa halip na pangangalaga o pagpapanumbalik. Itinalaga ang mga bunlag ng kuta ng Louisbourg noong 1920, ngunit hindi nagsimula ang mga tangkaing maisabalik ang kuta hanggang 1961.[19]

Sa rekomendasyon ni Harkin, binuo ng gobyerno ang Kasanggunian ng Pangangalaga ng Makasaysayang Pook (kalaunan ay tinawag na Lupon ng Makasaysayang Pook at Monumento ng Canada o Historic Sites and Monuments Board of Canada) noong 1919 upang payuhan ang Ministro sa mga bagong programa ng Pambansang Makasaysayang Pook.[10] Napili si Brigadyer Heneral Ernest Alexander Cruikshank, isang kilalang awtoridad sa Digmaan ng 1812 at ang kasaysayan ng Ontario, bilang unang tagapangulo ng Lupon, isang posisyon na hinawak niya nang dalawampung taon.[20] Ang unang lugar na itinalaga at ipinlaka sa ilalim ng bagong programa ay ang "Cliff Site" sa Port Dover, Ontario, kung saan inangkin ng dalawang pari ang soberanya sa rehiyon ng Lawa ng Erie para kay Louis XIV ng Pransya noong 1670.[21]

Dahil sa kakulangan sa kayamanan, nilimita ng HSMBC ang sarili sa pagrerekomenda ng mga pook para sa pagtatalaga, at ang pokus ng programa ay sa paggunita sa halip na sa pangangalaga. Noong 1919, nagsulat kay Harkin si Benjamin Sulte, isang miyembro ng HSMBC, tungkol sa mga makabuluhang bunlag sa Forges du Saint-Maurice, na nagpapakita sa kanyang kagustuhan para sa pagtatag ng plaka sa halip ng pagpapanumbalik: "Lahat ng maaaring gawin sa aming panahon ay alisin ang santambak ng mga bato, upang maabot ang mga pagkakapundar at magtatag ng isang palatandaan sa gitna ng plasang nabunyag."[22]

Sa mga unang taon ng programa, pinili ang mga Pambansang Makasaysayang Pook upang gunitain ang mga labanan, mahahalagang kaginoohan, kalakal ng balahibo at mga kaganapan sa politika; ang pokus ay sa "mga magagaling na kaginoohan at mga kaganapan" na ipinalagay bilang mga nagtatag ng bansa.[16][23] Sa 285 Pambansang Makasaysayang Pook na itinalaga noong 1943 at nakaraang taon, 105 ang kumakatawan sa kasaysayang militar, 52 ang kumakatawan sa kalakalan ng balahibo at pagsusugasog, at 43 ang kumakatawan sa mga sikat na indibidwal (halos lahat lalaki). Nagkaroon din ng malakas na pagkiling sa paggunita ng mga pook sa Ontario kumpara sa iba pang mga bahagi ng bansa. Sa isang punto, nagpasya ng ilang mga miyembro ng HSMBC na walang mga pook sa sangkapuluhan ng Prince Edward na karapat-dapat italaga. Naiugnaynan ang pagkausli sa mga pook sa Ontario noon na may kaugnayan sa Digmaan ng 1812 at ang Mga Loyalista ng Nagkakaisang Imperyo sa impluwensya ng Cruikshank na nagreresulta sa "makatotohanang tulos ng mga makasaysayang pananda kasama ang San Lawrence", at sa Niagara, na nagtataguyod ng loyalistang doktrina ng pagkakaisang imperyal sa Britanya, habang ipinapagunita ang paglaban sa "Amerikanismo".[24] Tinanggihan ang mga panukala upang magtalaga ng mga pook na may kaugnayan sa imigrasyon ng mga Hudyo, Itim at Ukranyo sa Canada, tulad ng mga pagtatangka upang makilala ang mga patriota ng Mga Rebelyon ng 1837.[25][26] Gayon ang pananaw ng Lupon sa kasaysayan ng Canada sa unang kalahati ng ika-20 siglo. Ang HSMBC sa panahong iyon ay inilarawan ni Yves Yvon Pelletier, isang mananalaysay, bilang isang "klub de-kabalyerong Victoriano" na binubuo ng mga isklor sa kasaysayan na nagturo sa kanilang sarili na ginawa ang mga pagpapasya nang walang pampublikong konsultasyon at walang pakinabang ng isang sekretarya upang higit pang siyasatin ang mga rekomendasyon ng mga miyembro ng Lupon.[27]

Naglingkod ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng Lupon ng Makasaysayang Pook at Monumento ng Canada:

Pangalan Lalawigan Taong Sumali Taong Umalis Karagdagan
E.A Cruikshank Ontario 1919 1939 Tagapangulo ng Lupon 1919- 1939
James Coyne Ontario 1919 1932
Frederic Howay British Columbia 1923 1944 Tagapangulo ng Lupon 1943- 1944
Fred Landon Ontario 1932 1958 Tagapangulo ng Lupon 1950- 1958
WN Sage British Columbia 1944 1959
Harry Walker Ontario 1955 1959
Donald Creighton Ontario 1958 1972
A.R.M. Lower Ontario 1959 1961
Margaret Ormsby British Columbia 1960 1967
James J. Talman Ontario 1961 1973
James Nesbitt British Columbia 1967 1971
Margaret Prang British Columbia 1971 1979
J.M.S Careless Ontario 1972 1985 Tagapangulo ng Lupon 1981- 1985
B. Napier Simpson Ontario 1973 1978
Charles Humphries British Columbia 1979 -
Edward Storey Ontario 1981 1987
Thomas H.B Symons Ontario 1986 - Tagapangulo ng Lupon 1986-
John H. White Ontario 1988 -

Ebolusyon ng programa

baguhin
 
Ang Áísínai'pi, isang lokasyon ng makabuluhang kahalagahan sa kultura at relihiyon ng mga taong Blackfoot, ay itinalaga noong 2006.[28]
 
Ang makasaysayang distrito ng Westmount, Quebec ay itinalaga noong 2011 bilang pagkilala sa mga pagpupunyagi ng mga lokal na mamamayan na nagtrabaho nang ilang mga dekada upang maprotektahan ang makasaysayang kapaligiran ng distrito.[29][30]

Habang lumipas ang oras at lumago ang sistema, bumanlangkas ang saklaw ng programa at ang likas na katangian ng mga pagtatalaga. Noong dekada 1930, bumago ang pokus ng kilusang pamana sa Canada mula sa paggunita patungo sa pagpapanatili at pag-unlad. Pinakalitaw ang pagbabago sa Ontario, kung saan nagpanumbalik ang Komisyon ng mga Liwasan ng Niagra ng Kutang George at nagpanumbalik ang Kagawaran ng Lansangan ng Kutang Henry. Kinailangan ang Matinding Depresyon para lumikha ng mga pagkakataon para sa mga makabuluhang proyekto sa pagpapanatili ng pamana sa antas-pederal. Kahit hindi gaanong interesado ang HSMBC sa mga pagsisikap na ito – kaya nilimitahan ang sarili sa papel ng paggunita – ginamit nang ginamit ng Parks Branch ang paginhawang pondo ng pamahalaan upang umupa ng mga manggagawa para sa pagpapanumbalik ng mga dating kuta.[31]

Noong 1943, naghikayat ang pansamantalang tagapangulo ng HSMBC na si Frederic William Howay, ng kanyang mga kapwang miyembro ng Lupon na palawakin ang mga pinagaalagatang pagtatalaga, at iwasto ang diseklibriong heograpikal at tematikong sa mga pagtatalaga. Bukod-tanging hinikayat ni Howay ang HSMBC na magbigay-pansin sa kasaysayan ng ekonomiya, lipunan at kultura, at hinimok niya ang isang moratoryum sa mga karagdagang pagtatalagang may kaugnayan sa Digmaan ng 1812.[32][33] Noong 1951, binigyan-diin ng Royal Commission on National Development in the Arts, Letters and Sciences ang diseklibrio ng programa ng Pambansang Makasaysayang Pook at humimok ng mas ambisyosong programa na may higit na pansin sa pagpapanatili ng arkitektura. Noong 1955, sinusugan ang Historic Sites and Monuments Act upang pahintulutan ang pagtatalaga ng mga gusali dahil sa kanilang kagulangan o disenyo na nagresulta sa bagong pokus sa pagtatalaga ng pamanang itinayo ng Canada.[34][35] Minarkahan din ng dekada 1950 ang simula ng panahon ng "malaking proyekto" na umabot sa kasukdulan noong dekada 1960, kung kailan namuhunan ang pamahalaang pederal ng makabuluhang pondo sa pagpapanumbalik at muling pagtatayo ng mga bantog na Pambansang Makasaysayang Pook tulad ng Kutang Halifax, Kuta ng Louisbourg, ang mga kuta ng Lungsod ng Quebec at ang makasaysayang butod ng Lungsod ng Dawson.[36]

Minarkahan ng dekada 1970 ang panimula ng pagbabago sa katangian ng mga pagtatalaga. Sa 473 Pambansang Makasaysayang Pook na itinalaga mula 1971 hanggang 1993, kumatawan lamang ang dating nangingibabaw na kategorya ng mga kaganapang pampulitika-militar sa 12 porsyento ng mga bagong pagtatalaga, kasama ang uring "Digmaan ng ..." na mga paggunita na nalampasan ng mga pook na may kaugnayan sa pulitikang pederal. Ang pinakamalaking pangkat sa mga pagtatalaga (43 porsyento) ay ukol sa mga makasaysayang gusali.[37] Noong dekada 1990, itinukoy ang tatlong groupo bilang kulang sa representasyon sa mga Pambansang Makasaysayang Pook: ang mga Aborihen o katutubo, kababaihan, at mga pangkat-etniko maliban sa Pranses at Ingles. Pagkatapos, nagkaroon ng mga pagtatangka upang higit pang pag-iba-ibahin ang mga pagtatalaga nang alinsunod.[16][23] Itinalaga ang Saoyú-ʔehdacho sa Hilagang-Kanlurang Teritoryo noong 1997 na naging kauna-unahang Pambansang Makasaysayang Pook na parehong itinalaga at natamo batay sa pagkonsulta sa mga mamamayang Aborihen, at ang pinakamalaking Pambansang Makasaysayang Pook ayon sa dawak ng lupa (halos kasinglaki ng Pulo ni Prince Edward).[38] Sa oras na iyon, tinanggal ang paggamit ng terminolohiyang "Pambansang Makasaysayang Liwasan", na ginamit pa rin noon para sa mga mas malalaking Pambansang Makasaysayang Pook na pinatatakbo ng Parks Canada at itinuturing na "katangi-tanging halaga sa kasaysayan ng Canada".[35][39][40]

Hindi limitado ang mga pagbabago sa mga bagong pagtatalaga, dahil ang pagpapakahulugan ng maraming mga naitalagang Pambansang Makasaysayang Pook ay hindi tumimik at bumalangkas sa paglipas ng panahon. Halimbawa, ang paggunita ng Pambansang Makasaysayang Pook sa Prairies na may kaugnayan sa Paghihimagsik ng Ilog Red at ang Paghihimagsik ng Hilagang-Kanluran ay dumaan sa hindi bababa sa mga tatlong anyo sa ngayon. Noong dekada 1920, nagbando ang mga plakeng itinayo sa mga pook na ito ng pagpapalawak ng Canada at kanlurang sibilisasyon sa buong Hilagang Amerika. Dahil sa mga lokal na panggigipit, tulad ng mga pagbabago sa HSMBC at umusbong na historiograpiya, iniwasan ng mga teksto na ipinakilala noong dekada 1950 ang nakaraang mapagwaging bersyon ng mga kaganapan, ngunit iniwasan din ang anumang pagsusuri ng mga sanhi o bunga ng mga kaganapan. Nagsimula noong dekada 1970, ang pagbabago ng diskarte sa pangangalaga ng pamana sa Parks Canada, kasabay ng lumagong rehiyonalismo at isang mas mahandulong kilusan para sa karapatan ng mga Aborihen, ay humantong sa susunod na henerasyon ng mga dokumentong nagpapakahulugan na may pokus sa mga lipunang nahalinhan sa pagpapalawak ng Canada noong ika-19 na siglo.[33]

Pagtatalaga

baguhin
 
Dati, ginamit ang mga plakang nakakabit sa mga muhon upang markahan ang mga Pambansang Makasaysayang Pook, tulad ng isang ito sa Glengarry Landing sa Ontario

Ang mga Pambansang Makasaysayang Pook ay isinaayos ayon sa limang malawak na tema: Pagtitirahan ang Lupa, Pamamahala ng Canada, Pag-uunlad ng Ekonomiya, Pagbubuo ng Panlipunan at Pangkomunidad na Buhay, at Pagpapahayag ng Intelektwal at Pangkulturang Buhay.[41] Upang magunita, dapat hindi bababa sa isa ang matutugunan ng isang pook sa mga sumusunod na pamantayan:

  • magpakita ng natatanging malikhaing tagumpay sa konsepto at disenyo, teknolohiya o pagpaplano, o isang makabuluhang yugto sa pag-unlad ng Canada;
  • maglarawan o sumimbolo, sa kabuuan o sa bahagya, sa isang tradisyong kultural, isang paraan ng pamumuhay o mga ideya na mahalaga sa pag-usbong ng Canada;
  • maging malinaw at makabuluhang nauugnay o makilala sa mga taong itinuturing na pambansang makasaysayang kabuluhan; o
  • maging malinaw at makabuluhang kaugnay o kakilala sa mga kaganapan na itinuturing na may pambansang makasaysayang kahalagahan.[42]

Hindi nagbibigaynag pagtatalaga bilang isang Pambansang Makasaysayang Pook ng proteksyon ligal para sa mga makasaysayang elemento ng isang pook.[43] Gayunpaman, maaaring italaga ang mga makasaysayang pook nang higit sa isang antas (pambansa, panlalawigan at pangmunisipalidad), at maaaring magkaroon ang mga pagtatalaga sa iba pang mga antas ng ilang mga proteksyong ligal.

Karamihan sa mga Pambansang Makasaysayang Pook ay nakamarka ng plakang pederal na may Iskudo ng Canada.[44] Sa mga naunang taon, itinayo itong mga plake sa mga muhong pasadyang itinayo,[10] at sa mga susunod na taon ay nakakabit sa mga gusali o mga poste na walang salalayan. Karaniwang nakasulat sa Ingles at Pranses itong mga marka na pulang magulang at ginto, bagaman trilingguwal ang ilan kung may kaugnayan ang isa pang wika sa paksa na ginugunita.[45]

Talaan ng mga Pambansang Makasaysayang Pook ayon sa lokasyon

baguhin
Talaan ng mga Pambansang Makasaysayang Pook ayon sa lokasyon Bilang ng mga NHS Unang itinalagang NHS Halimbawa ng NHS at petsa ng pagtatalaga
Mga pook ng Alberta   61 1923   Frog Lake (1923)
Mga pook ng British Columbia   100 1923   Rogers Pass (1971)
Mga pook ng Manitoba   57 1920   Exchange District (1996)
Mga pook ng New Brunswick   63 1920   Tinakip na Tulay ng Hartland (1980)
Mga pook ng Newfoundland at Labrador   47 1951   Signal Hill (1951)
Mga pook ng Nova Scotia   90 1920   Pier 21 (1997)
Mga pook ng Ontario   272 1919   Bahay McCrae (1966)
15 1929   Kastilyong Dundurn (1997)
22 1923   Munisipyo ng Lungsod ng Kingston (1961)
26 1921   Niagara-on-the-Lake (2003)
26 1925   Mga Gusali ng Parlamento (1976)
37 1923   Kutang York (1923)
Mga pook ng Pulo ni Prince Edward   22 1933   Green Gables (2004)
Mga pook ng Quebec   198 1919   Île d'Orléans Seigneury (1990)
61 1920   Basilikang Notre-Dame (1989)
37 1923   Château Frontenac (1981)
Mga pook ng Saskatchewan   46 1923   Kanadienseng Bangko ng Komersiyo (1976)
Mga pook ng Mga Hilagang-Kanlurang Teritoryo   12 1930   Church of Our Lady of Good Hope (1977)
Mga pook ng Nunavut   12 1964   Dakong Inuksuk (1969)
Mga pook ng Yukon   11 1959   Dawson Historical Complex (1959)
Pransiya   2 1996 Vimy Ridge (1996)

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Historic Sites; Monuments Board of Canada. "About the Historic Sites and Monuments Board of Canada - Duties". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 6 October 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  2. Historic Sites; Monuments Board of Canada. "Criteria, General Guidelines and Specific Guidelines - PLACES". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Parks Canada Agency. Departmental Performance Report 2013–14. Parks Canada Agency. pp. 6–7. Nakuha noong 12 Marso 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Government of Canada Announces New National Historic Designations, Parks Canada news release, January 12, 2018
  5. Parks Canada. "National Historic Sites of Canada - administered by Parks Canada". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 29, 2015. Nakuha noong Setyembre 22, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "National Historic Sites of Canada System Plan - Introduction". Parks Canada. 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "National Historic Sites of Canada System Plan - Persons of National Historic Significance, Events of National Historic Significance". Parks Canada. 2000. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 5, 2011. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Welland Canal National Historic Event, Parks Canada, 2012
  9. Padron:DFHD
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 Historic Sites; Monuments Board of Canada. "About the Historic Sites and Monuments Board of Canada - History of the Board". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 7, 2013. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "De Victor Hugo à lord Dufferin". Patrimoine: Historique de la Loi sur les biens culturels. Ministère de la Culture, des Communications et de la Condition féminine. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2012. Nakuha noong 15 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 3 March 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  12. Rapport d'information n°599, Au service d'une politique nationale du patrimoine : le rôle incontournable du Centre des monuments nationaux, Françoise Férat, 15 April 2012
  13. The National Parks: Shaping the System Naka-arkibo 2015-03-23 sa Wayback Machine., U.S. National Park Service, 2005, p. 41. Battlefields would not be administered by the National Park Service, however, until 1933.
  14. 14.0 14.1 Todhunter, Rodger (Agosto 1985). "Preservation, parks and the vice-royalty Lord Dufferin and Lord Grey in Canada". Landscape Planning. 12 (2): 141–160. doi:10.1016/0304-3924(85)90057-7.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "History". Niagara Parks. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2012. Nakuha noong 15 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 3 April 2012[Date mismatch] sa Wayback Machine.
  16. 16.0 16.1 16.2 M. Fafard; C.J. Taylor. "Historic site". Canadian Encyclopedia. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Taylor, C.J. (1990). Negotiating the Past: The Making of Canada's National Historic Parks and Sites. Montreal and Kingston: McGill-Queen's University Press. 28-9. ISBN 0-7735-0713-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Negotiating the Past: p. 30, 45
  19. Padron:CRHP
  20. Symons, Thomas H.B. (ed.) (1997). The Place of History: Commemorating Canada's Past. Ottawa: Canadian Heritage. p. 333. ISBN 0-920064-58-2. {{cite book}}: |first= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Recognizing Canadian History: The Historic Sites and Monuments Board of Canada. Ottawa: Parks Canada. 1979. p. 49. ISBN 0-662-50533-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Negotiating the Past: p. 33-5, 51
  23. 23.0 23.1 Parks Canada. "National Historic Sites of Canada System Plan - Enhancing the System". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Negotiating the Past: p. 6
  25. The Place of History: p. 57
  26. Negotiating the Past: p. 45, 48-9, 60, 75 and 130
  27. Pelletier, Yves Yvon J. (2006). "The Politics of Selection: The Historic Sites and Monuments Board of Canada and the Imperial Commemoration of Canadian History, 1919-1950". Journal of the Canadian Historical Association. 17 (1): 125–150. doi:10.7202/016105ar.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Padron:CRHP
  29. Padron:DFHD
  30. "National Historic Designations, Historic Communities (Backgrounder)". News Releases and Backgrounders. Parks Canada. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Negotiating the Past: p. 101-3, 105, 109
  32. Negotiating the Past: p. 130
  33. 33.0 33.1 Allan, McCullough (2002). "Parks Canada and the 1885 Rebellion/Uprising/Resistance". Prairie Forum. 27 (2): 161–198.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. The Place of History: pp. 333-4
  35. 35.0 35.1 Recognizing Canadian History
  36. Negotiating the Past: p. 170
  37. Osborne, Brian S. (2001). "Landscapes, memory, monuments, and commemoration: putting identity in its place". Canadian Ethnic Studies. 33 (3): 39–77.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Backgrounder". Signing of Memorandum of Understanding for Permanent Protection of Sahoyúé §ehdacho National Historic Site of Canada. Parks Canada. 11 Marso 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Oktubre 2013. Nakuha noong 11 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. National Historic Sites Policy. Ottawa: Indian and Northern Affairs - Parks Canada. 1972.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. The Place of History: p. 334
  41. Parks Canada. "National Historic Sites of Canada - Introduction". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 18, 2011. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Parks Canada. "National Historic Sites of Canada - System Plan". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Swinnerton, Guy S.; Buggey, Susan. "Protected Landscapes in Canada: Current Practice and Future Significance" (PDF). The George Wright Forum. George Wright Society. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Parks Canada. "National Historic Sites of Canada System Plan - Enhancing the System". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Historic Sites; Monuments Board of Canada. "National Commemorative Plaques - Plaque Models". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2012. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite web}}: Unknown parameter |lastauthoramp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin