Pambansang Pamantasang Cheng Kung
Ang Pambansang Pamantasang Cheng Kung (Ingles: National Cheng Kung University, NCKU) ay isang komprehensibong pampublikong unibersidad sa Tainan, Taiwan. Itinuturing na isa sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa Taiwan at kasama sa mga nangungunang unibersidad sa Asya, ito ay binubuo ng 9 kolehiyo, 43 kagawaran, at 39 instituto. Ang unibersidad ay kinikilala sa programa nito sa inhinyeriya, agham pangkompyuter, medisina, pagpaplano, at disenyo.
Ang NCKU ay isang tagapagtatag na miyembro ng Taiwan Comprehensive University System, isang istratehikong alyansa ng apat na nangungunang unibersidad sa pananaliksik sa katimugang bahagi ng Taiwan. Ang university miyembro rin ng AACSB.
23°00′00″N 120°13′00″E / 23°N 120.2167°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.