Pambansang Pormularyo
Ang Pambansang Kalipunan ng mga Gamot, Pambansang Pormularyo ng mga Medikamento, o Pambansang Pormularyo ng mga Medikamente ay isang manwal o gabay na aklat na naglalaman ng isang talaan ng mga gamot o medikamenteng pinahulutan sa pagrereseta sa kabuoan ng isang bansa. Ipinapakita sa sangguniang aklat na ito ang kung anong mga produkto ang mapapagpalit-palit. Kinabibilangan din ito ng mga susing kabatiran hinggil sa kumposisyon o sangkap, paglalarawan, pagpipilian o seleksiyon, preskripsyon, pagbibigay, at pamamahala ng mga mga gamot. Malinaw na ipinababatid ang mga gamot na hindi gaanong kaaya-aya para ipagamit sa mga pasyente. Sa ilang mga bansa, mayroong mga kalipunan o mga pormularyong pangrehiyon (rehiyonal) at panglalawigan (probinsiyal) sa halip na pambansang pormularyo. Maaari ring pandagdag ang rehiyonal at pamprobinsiyang pormularyo para sa pambansang pormularyo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.