Pambansang Unibersidad ng Kiev Taras Shevchenko
Ang Pambansang Unibersidad ng Kiev, Taras Shevchenko[1] (Ukranyo: Київський національний університет імені Тараса Шевченка; Ingles: Taras Shevchenko National University of Kyiv), na mas kilala sa Ukrainian bilang KNU (Ukranyo: Київський національний універcитет - КНУ) ay matatagpuan sa Kiev, ang kabisera ng Ukraine. KNU ay nararanggo bilang isa sa Top 500 na unibersidad sa mundo. [2] Itinatag noong 1834, ito ay ang ikatlong pinakamatandang unibersidad sa Ukraine matapos ang Unibersidad ng Lviv at Unibersidad ng Kharkiv. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng labinlimang mga fakultad at limang instituto. Ito ay itinatag noong 1834 bilang Kiev Imperial University of Saint Vladimir, at simula noon ay nagbago ang pangalan nito nang ilang mga beses. Sa panahon ng Unyong Sobyet, ang unibersidad ay isa sa mga pangunahing tatlong unibersidad sa USSR, kasama ng Pampamahalaang Unibersidad ng Mosku at Pampamahalaang Unibersidad ng Leningrad. Ito ay nakahanay bilang pinakamahusay na unibersidad sa Ukraine sa maraming mga pagraranggo. Sa buong kasaysayan ng unibersidad, dito nagmula ang maraming mga bantog na alumni kabilang na sina Nikolay Bunge, Mykhailo Drahomanov, Mykhailo Hrushevskyi, Nikolai Berdyaev, Mikhail Bulgakov, Viacheslav Chornovil, Leonid Kravchuk, at marami pang iba. Si Taras Shevchenko, kung kanino ipinangalan ang unibersidad, ay hindi pinahintulutang makatanggap ng edukasyon dito dahil sa politikal na kadahilanan, bagaman nagtrabaho dito bilang isang mananaliksik.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://www.univ.kiev.ua/en University's official English website
- ↑ [1]
50°26′30.85″N 30°30′40.73″E / 50.4419028°N 30.5113139°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.