Pambobomba sa Baghdad noong 1 Pebrero 2010

Ang Pambobomba sa Baghdad noong 1 Pebrero 2010 ay isang pambobomba sa pamamagitan ng pagpapasabog ng sarili sa Baghdad Irak na kumitil ng hindi bababa sa 54 katao, at nag-iwan pa ng 100 sugatan. Nakatuon ang pag-atake sa isang grupo ng mga manlalakbay na naglalakad sa isang relihiyosong pagdiriwang. [2]

Pambobomba sa Baghdad noong 1 Pebrero 2010
LokasyonBaghdad, Iraq
Petsa1 February 2010
11.45AM – (UTC+3)
TargetMutiple
Uri ng paglusobSuicide Bomber
Namataytinatayang 54 [1]
Nasugatan100
Hinihinalang salarinAl-Queda

Pinasabog ng pinaniniwalaang isang babae ang kanyang sarili sa isang pahingahan sa kahabaan ng ruta ng paglalakbay patungo sa relihiyosong pagdiriwang ng Shia sa Karbala. Mayroong lugar ng seguridad ang pahingahan kung saan pinasabog ng babae ang mga bombang nakakabit sa kanyang sarili. Mayroon nang mga katulad na insidente noong nakaraang taon na nakatuon din sa mga paglalakbay, na kumitil ng apatnapung katao. [3]


Mga sanggunian

baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:


Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.