Paminggalan
Ang paminggalan[1] ay isang uri ng kabinet na ginagamit sa loob ng bahay upang iimbak ang mga bagay na ginagamit sa bahay katulad ng pagkain, babasagin, tela at inuming nakakalasing, at isanggalang sila mula sa mga alikabok at dumi.[2] Yari ito kadalasan sa kahoy.
Tinatawag itong cupboard sa wikang Ingles na orihinal na tumutukoy sa bukas na istante na lamesa para sa pagpapakita ng mga plato, tasa at platito. Ang mga bukas na cupboard na ito ay karaniwang mula isa hanggang tatlong baytang, at may mga panahon, isang drawer o maraming drawer na nakabit dito. Unti-unting naiba ang kahulugan ng cupboard at nangangahulugan ngayon bilang anumang kasangkapan o muwebles na nasasarhan.[3] Gayon din, ang salitang cupboard ay kadalasang ginagamit sa Ingles sa Britanya upang tukuyin ang closet na siyang tawag ng mga Amerikano.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ "Cupboard". The Free Dictionary ng Farlex. Nakuha noong 19 Mayo 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Andrews, John (2006) British Antique Furniture. Antique Collectors' Club ISBN 1-85149-444-8; p. 226