Pamumunong transpormasyonal
Ang pamumunong transpormasyonal (Ingles: transformational leadership) ay isang estilo ng pamumuno/liderato kung saan ang pinúnò ay kumikilos kasáma ang kaniyang mga subordineyt upang maláman ang kinakailangang pagbabago, na lumilikha ng pananaw upang gabayan ang pagbabago sa pamamagitan ng inspirasyon, at inasagawa ang pagbabagong ito kasáma ng mga tapat na kasapi ng samahán. Ang pamumunong transpormasyonal ay ginagamit upang pahusayin pa ang motibasyon, sigla, at pagtatrabaho ng mga tagasunod sa pamamagitan ng iba't ibang mekanismo; kabílang dito ang pagkokonekta sa pagkakakilanlan ng tagasunod at ng sarili sa isang proyekto at sa kolektibong pagkakakilanlan sa organisasyon; maging role model para sa mga tagasunod upang magbigay-inspirasyon sa kanila at mapukaw ang kanilang interes sa isang proyekto; paghahamon sa mga tagasunod, at pag-unawa sa mga lakas at kahinaan ng mga tagasunod, upang matulungan ang pinúnò na ilagay sila sa mga trabahong mas akma para sa kanila upang mas gumanda rin ang kanilang paggawa.
Pinagmulan
baguhinAng konsepto ng pamumunong transpormasyonal ay unang pinakilala ni James V. Downton, ang lumikha ng terminong "Transformational leadership", isang konsepto na lalong pinalawig ng eksperto sa pamumuno at presidensiyal na biograpong si James MacGregor Burns.