Panahong Azuchi–Momoyama

Ang Panahong Azuchi-Momoyama (安土桃山時代, Azuchi-Momoyama jidai) o Panahong Shokuho (織豊時代, Shokoho jidai) sa wakas ng panahong Sengoku sa Hapon ay panahon nang ang pagkakaisang pampolitika na nauna sa pagkakatatag ng shogunatong Tokugawa ay nangyari. Ito ay mula tinatayang 1573 hanggang 1603 sa panahong si Oda Nobunaga at kanyang kahaliling si Toyotomi Hideyoshi ay nagpataw ng kaayusan sa kaguluhan na laganap mula sa pagguho ng Shogunatong Ashikaga. Bagaman ang pasimulang petsang 1573 ay kadalasang ibinigay, ang panahong ito ay nagsimula sa pagpasok ni Nobunaga sa Kyoto noong 1568 nang pamumunuan niya ang kanyang hukbo sa kabiserang imperyal upang ilagay si Ashikaga Yoshiaki bilang ang ika-15 at huling shogun ng shogunatong Ashikaga at tumagal hanggang sa pag-akyat sa kapangyarihan ni Tokugawa Ieyasu pagkatapos ng kanyang pagwawagi sa mga tagasuporta ng angkang Toyotomi sa Labanan ng Sekigahara noong 1600.[1]

Azuchi-Momoyama period
日本国
Nippon-koku
1568–1600
Mon of the Oda clan ng Azuchi-Momoyama period
Mon of the Oda clan
KabiseraKyoto (Emperor palace), Azuchi (Nobunaga's palatial fortress)
(1568–1582)

Kyoto
(1582–1600)
Karaniwang wikaLate Middle Japanese
PamahalaanFeudal military confederation
Emperor 
• 1557–1586
Ōgimachi
• 1586–1611
Go-Yōzei
Shogun 
• 1568–1573
Ashikaga Yoshiaki
Head of government 
• 1568–1582
Oda Nobunaga
• 1583–1598
Toyotomi Hideyoshi
• 1598–1600
Council of Five Elders
LehislaturaCouncil of Five Elders
Kasaysayan 
• Oda Nobunaga captures Kyoto
Oktubre 18 1568
• Ashikaga shogunate abolished
2 Setyembre 1573
28 Hunyo 1575
21 Hunyo 1582
• Toyotomi-Tokugawa alliance formed
1584
• Defeat of the Hōjō clan
4 Agosto 1590
Oktubre 21 1600
SalapiMon
Pinalitan
Pumalit
Ashikaga shogunate
Oda clan
Tokugawa clan
Tokugawa shogunate

Sa panahong ito, ang lipunan at kulturang Hapones ay sumailalim sa paglipat mula sa panahong mediebal tungo sa panahong moderno. Ang pangalan ng panahong ito ay hinango mula sa kastilyo ni Nobunaga na Kastilyong Azuchi sa kasalukuyang bayan ng Azuchi, Prepekturang Shiga at kastilyo ni Hideyoshi na Kastilyong Momoyama na kilala rin bilang Kastilyo ni Fushimi sa Kyoto.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Kodansha Encyclopedia of Japan (First edition, 1983), section "Azuchi-Momoyama History (1568–1600)" by George Elison, in the entry for "history of Japan".