Gitnang Kapanahunan

(Idinirekta mula sa Panahong Medyebal)

Sa kasaysayan ng Europa, ang Gitnang Kapanahunan o panahong medyebal ay tumagal ng humigit-kumulang mula 500 AD hanggang 1500, bagaman may ilan ang nais na ibang petsa ng pagsisimula at pagtatapos. Ang Gitnang Kapanahunan ay ang pangalawa sa tatlong tradisyonal na dibisyon ng kasaysayan ng Kanluran: sinaunang panahon, medyebal, at makabago . Kabilang sa mga pangunahing pag-unlad ng panahong ito ang pamamayani ng agrikultura sa ekonomiya, eksplotasyon sa mga magsasaka, mabagal na komunikasyon sa pagitan ng rehiyon, ang kahalagahan ng interpersonal na relasyon sa mga istruktura ng kapangyarihan, at ang kahinaan ng burukrasya ng estado. Minsan nahahati ang medyebal sa Maaga, Mataas, at Huling Gitnang Panahon, at alternatibong tinutukoy ang maagang medyebal na panahon bilang Madilim na Panahon.

Kinulayang salamin mula sa Katedral ng Canterbury, c. 1175 – c. 1180. Inilalarawan nito ang Talinhaga ng Manghahasik, isang biblikal na salaysay.

Nagpatuloy ang pagbaba ng populasyon, kontraurbanisasyon, ang pagbagsak ng sentralisadong awtoridad, ang malawakang paglipat ng mga tribo (pangunahin ang mga Aleman), at ang Kristiyanisasyon, na nagsimula noong huling bahagi ng sinaunang panahon, ay nagpatuloy hanggang sa Maagang Gitnang Kapanahunan. Humantong ang mga paggalaw ng mga tao sa pagkawatak-watak ng Kanlurang Imperyo ng Roma, at pag-usbong ng mga bagong kaharian. Sa pagkatapos ng mundong Romano, humina ang pagbubuwis, tinustusan ang hukbo sa pamamagitan ng mga kaloob ng lupa, at ang mahusay na pagdokumento ng paghahalo ng kabihasnang Huling Romano at ng mga tradisyon ng mga mananakop. Nakaligtas ang Silanganing Imperyong Romano (o Imperyong Bisantino) subalit nawala ang Gitnang Silangan at Hilagang Aprika sa mga mananakop na Muslim noong ika-7 dantaon. Bagaman muling pinagsama ng dinastiyang Carolingio ng mga Franco ang karamihan sa mga lupain ng Kanlurang Romano noong unang bahagi ng ika-9 na dantaon, mabilis na bumagsak ang Imperyong Carolingio sa mga nakikipagkumpitensyang kaharian, na nahati sa kalaunan sa mga awtonomong na dukado at panginoon.

Terminolohiya at pagpapanahon

baguhin
 
Palais des Papes (Avignon, Pransya)

Ang Gitnang Kapanahunan ay isa sa tatlong pangunahing panahon sa pinakapangmatagalang iskima para sa pagsusuri sa kasaysayan ng Europa: Sinaunang Panahon, Gitnang Kapanahunan at modernong panahon.[1] Ang Italyanong si Leonardo Bruni (n. 1444) ay ang unang mananalaysay na gumamit ng tatluhang pagpapanahon noong 1442,[2] at naging pamantayan ito sa mananalaysay na Alemang si Christoph Cellarius (n. 1707).[4][5] Ang pang-uri na medyebal, na nangangahulugang nauukol sa Gitnang Kapanahunan,[6] ay nagmula sa medium aevum ('gitnang panahon'), isang katawagang Neo-Latin na unang naitala noong 1604.[7]

Ang Gitnang Kapanahunan ay karaniwang sumasaklaw sa pagitan ng panahon ng humigit-kumulang 500 at 1500 subalit arbitraryo pareho ang simula at pagtatapos ng mga taon.[8][9][10] Ang karaniwang ibinibigay na panimulang taon, na unang ginamit ni Bruni, ay 476—ang taon na napatalsik ang huling Kanlurang Imperyong Romano.[2][10] Bilang isang alternatibo, binanggit ang konbersyon ng emperador na Romano na si Dakilang Constantino (naghari 306–337) sa Kristiyanismo. Wala ring pangkalahatang napagkasunduan na petsa ng pagtatapos; kabilang sa pinakamadalas na ginagamit na mga petsa ang 1453 (ang Pagbagsak ng Constantinopla), 1492 (unang paglalakbay ni Christopher Columbus sa Kaamerikahan), at 1517 (ang pagsisimula ng Repormasyong Protestante).[11]

Mga pagsipi

baguhin
  1. Power 2006.
  2. 2.0 2.1 Hankins 2001.
  3. Mommsen 1942, p. 238.
  4. Maraming manunulat ng medyebal ang hinati ang kasaysayan sa mga kapanahunan tulad ng Anim na mga Kapanahunan o ang Apat na mga Imperyo, at tinuturing ang kanilang panahon na tatagal bago ang katupusan ng mundo.[3]
  5. Murray 2004.
  6. Hornby 2005.
  7. Onions, Friedrichsen & Burchfield 1994.
  8. Fried 2015.
  9. Wickham 2016.
  10. 10.0 10.1 Rubin 2014.
  11. Davies 1996.

Mga sanggunian

baguhin
  • Hankins, James (2001). "Introduction". Sa Hankins, James (pat.). Leonardo Bruni: History of the Florentine People. The I Tatti Renaissance Library (sa wikang Ingles). Harvard University Press. pp. ix–xviii. ISBN 978-0-674-00506-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Power, Daniel (2006). The Central Middle Ages: Europe 950–1320. The Short Oxford History of Europe (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-925312-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Mommsen, Theodore E. (Abril 1942). "Petrarch's Conception of the 'Dark Ages'". Speculum (sa wikang Ingles). The University of Chicago Press. 17 (2): 226–242. doi:10.2307/2856364. JSTOR 2856364.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Murray, Alexander (2004). "Should the Middle Ages Be Abolished?". Essays in Medieval Studies (sa wikang Ingles). West Virginia University Press. 21: 1–22. doi:10.1353/ems.2005.0010. ISSN 1538-4608.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Hornby, A. S. (2005) [1948]. Wehmeier, Sally; McIntosh, Colin; Turnbull, Joanna; Ashby, Michael (mga pat.). Oxford Advanced Learner's Dictionary (ika-Seventh (na) edisyon). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-431606-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Onions, C. T.; Friedrichsen, G. W. S.; Burchfield, R. W., mga pat. (1994) [1966]. The Oxford Dictionary of English Etymology (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-861112-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Fried, Johannes (2015) [2009]. The Middle Ages (sa wikang Ingles). Sinalin ni Peter Lewis. The Belknap Press of Harvard University Press. ISBN 978-0-674-05562-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Wickham, Chris (2016). Medieval Europe (sa wikang Ingles). Yale University Press. ISBN 978-0-3002-0834-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Rubin, Miri (2014). The Middle Ages: A Very Short Introduction. Very Short Introductions (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-969729-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Davies, Norman (1996). Europe: A History (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-520912-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)