Ang Panahong Vediko ay isang panahon ng kasaysayan na ang Vedas na pinakamatandang mga kasulatang relihiyoso ng Hinduismo ay nilikha. Ang saklaw ng panahon nito ay hindi matiyak. Ang ebidensiyang pilolohikal at linguistiko ay nagpapakita na ang Rigveda na pinakamatanda sa mga Vedas ay tinatayang nilikha sa pagitan ng 1700 BCE at 1100 BCE na tinatawag ring simulang panahong Vediko.[1] Ang wakas ng panahong ito ay karaniwang tinatayang nangyari ng mga 500 BCE at ang 150 BCE ang iminungkahi bilang ang terminus ante quem para sa lahat ng Panitikang Vedikong Sanskrit .[2] Ang pagpasa ng mga teksto sa panahong Vediko ay sa pamamagitan lamang ng tradisyong pambibig[3] at ang isang literaryong tradisyon ay itinakda lamang pagkatapos ng mga panahong Vediko. Sa kabila ng mga kahirapan ng pagpepetsa sa panahong ito, ang Vedas ay liligtas na maipapalagay na mga ilang taong gulang. Ang nauugnay na kultura na minsang tinutukoy na kabihasnang Vediko ay malamang nakasentro sa simula sa mga bahaging hilagaan at hilagang-kanluran ng subkontinenteng Indiyano ngunit kumalat na ngayon ay bumubuo ng basehan ng kontemporaryong kulturang Indiano. Pagkatapos ng wakas ng panahong Vediko, ang panahong Mahajanapadas ay nagbigay daan naman sa Imperyong Maurya(mula ca. 320 BCE), na ginintuang panahon ng India ng klasikong panitikang Sanskrit.

Heograpiya ng kulturang Rig Vedic na may mga pangalan ng ilog. Ang saklaw ng Swat at Cemetery H ay pinapakita rin.
Mapa ng hilagaang India sa huling panahong Vediko. Ang lokasyon ng Vedikong mga shakha ay nasa berde. Ang Disyertong Thar ay nasa kahel.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Oberlies (1998:155) gives an estimate of 1100 BC for the youngest hymns in book 10. Estimates for a terminus post quem of the earliest hymns are more uncertain. Oberlies (p. 158) based on 'cumulative evidence' sets wide range of 1700–1100
  2. Flood 2003, p. 68.
  3. Ninan, M.M. "http://www.oration.com/~mm9n/articles/dev/03Time%20Line.htm". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-25. Nakuha noong 2012-12-22. {{cite web}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)