Takot

(Idinirekta mula sa Pananakot)

Ang takot ay isang pang-emosyon na tugon sa mga banta at panganib. Ito ang pangunahing mekanismo sa pagkaligtas ng buhay na nagaganap bilang tugon sa partikular na estimulo, katulad ng sakit o ang banta ng sakit. Iminungkahi ng mga sikologong sina John B. Watson, Robert Plutchik, at Paul Ekman na isa ang takot sa isang pangkat ng mga pangunahin o likas na emosyon. Kabilang sa mga pangkat ng mga emosyong ito ang kaligayahan, kalungkutan at galit. Naiiba ang takot mula sa kaugnay na katayuang pang-emosyon ng pagkabahala, na karaniwang nangyayari na walang kahit anumang panlabas na panganib. Karagdagan pa nito, may kaugnayan ang takot sa mga partikular na ugali ng pagtakas at pag-iwas, datapuwa't ang pagkabahala ay resulta ng mga banta na nakikita bilang hindi maiwasan o hindi mapigilan. [1]

Isang bata na nagpapakita ng takot sa isang hindi matiyak na kapaligiran.
Tungkol ang artikulong ito sa pangkalahatang kahulugan ng takot. Para sa matinding takot, tingnan ang Pobya.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ohman, A. (2000). Fear and anxiety: Evolutionary, cognitive, and clinical perspectives. In M. Lewis & J. M. Haviland-Jones (Eds.). Handbook of emotions. (pp.573-593). New York: The Guilford Press.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.