Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat

Ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat (Ingles: International Standard Book Number, dinadaglat bilang ISBN) ay isang natatanging[1][2] bilang na nagpapakilala sa mga aklat na nakabatay sa kodigong Pamantayang Pagpapabilang ng mga Aklat (Standard Book Numbering, SBN), isang sistema na may siyam na bilang na nilikha ni Gordon Foster, Propesor Emeritus ng Estadistika sa Trinity College sa Dublin, Irlanda,[3] para sa mga tindahan ng aklat na nasa pagmamay-ari ng W. H. Smith, isang kompanya mula sa Nagkakaisang Kaharian, at ibang mga librerya noong 1965.[4]

Isang ISBN na may 13 bilang, 978-3-16-148410-0, na kinakatawan ng isang EAN-13 na kodigong baras (barcode).

Iniunlad ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan (ISO) ang mismong ISBN, at inilimbag ito noong 1970 bilang pamantayang ISO 2108. Noong 1 Enero 2007, ipinalawak ang ISBN upang magkaroon ito ng 13 bilang, na may kompatibilidad sa sistemang Bookland EAN, na may 13 bilang din.[5]

Mayroon ding sistema para sa pagpapakilala ng mga peryodiko tulad ng mga magasin: ito ay ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng mga Publikasyong Seryal (International Standard Serial Number o ISSN).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Minsan, nagkakamali ang mga tagapaglimbag sa pagpapabigay ng isang ISBN sa mahigit sa isang titulo — halimbawa, ang unang edisyon ng The Ultimate Alphabet at The Ultimate Alphabet Workbook ay may parehong ISBN, 0-8050-0076-3. Samakatuwid, maaaring inilimbag naman ang isang aklat na may maraming ISBN: Ang pangalawang-wikang edisyong Aleman ng Emil und die Detektive ay may mga ISBN na 87-23-90157-8 (Dinamarka), 0-8219-1069-8 (Estados Unidos), 91-21-15628-X (Suwesya), 0-85048-548-7 (Inglatera) at 3-12-675495-3 (Alemanya).
  2. Sa ilang mga kaso, hinahati-hati ng mga aklat na ibinibenta lamang bilang bahagi ng isang set ang ISBN nito. Halimbawa, dalawa lamang ang ISBN ng Vance Integral Edition para sa 44 aklat.
  3. Mahahanap ang orihinal na ulat ni Gordon Foster, na inilimbag noong 1966, sa Informaticsdevelopmentinstitute.net
  4. History, ISBN.org, inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-08, nakuha noong 2012-11-15{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  5. TC 46/SC 9, Frequently Asked Questions about the new ISBN standard from ISO, CA: LAC‐BAC, inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-10, nakuha noong 2012-11-15{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-06-10 sa Wayback Machine..