Pandaigdigang Programa sa Pagkain

Ang Pandaigdigang Programa sa Pagkain (WFP) ay ang sangay ng Mga Bansang Nagkakaisa na responsable sa mga tulong na may kinalaman sa pagkain, at ang pinakamalaking samahang makatao sa buong mundo.[1]. WFP provides food, on average, to 90 million people per year, 58 million of whom are children.[2] From its headquarters in Rome and more than 80 country offices around the world, WFP works to help people who are unable to produce or obtain enough food for themselves and their families.

Logo ng WFP.
Nagdala ng pagkain ang C-130 Hercules ng UN sa rehiyon ng Rumbak sa Sudan
Ibinababa ng WFP ang makataong tulong sa Freeport ng Monrovia noong Joint Task Force Liberia

Pangkalahatang-ideya

baguhin

Naitatag ang WFP sa kumperensiya ng Organisasyon ng mga Bansang Nagkakaisa sa Pagkain at sa Agrikultura (FAO) noong 1960, nang iminungkahi ni George McGovern, direktor ng Programang Food for Peace ng Estados Unidos, ang pagtatayo ng isang malakihang programa ng tulong sa pagkain.[3] Pormal na inilunsad ang WFP noong 1963 ng FAO at ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Bansang Nagkakaisa sa isang tatlong-taong-eksperimentong batayan. Taong 1965, pinalawig ang programa sa isang patuloy na batayan.

Organisasyon

baguhin

Pinamumunuan ang WFP ng Lupon ng mga Ehekutibo na binubuo ng mga kinatawan mula sa 36 na kasaping estado. Si Josette Sheeran ang kasalukuyang Ehekutibong Direktor, na itinalaga ng Kalihim-Heneral ng UN at Direktor-Heneral ng FAO para sa limang taong termino. Pinamumunuan niya ang kalihiman ng WFP.[4]

Mayroong 9,139 (2007) na empleyado ang WFP kung saan 90 bahagdan ang nagtatrabaho sa mga labas.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "About WFP". World Food Programme. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-16. Nakuha noong 2009-03-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-08-16 sa Wayback Machine.
  2. "UN Agencies raised human rights awareness through photo exhibit". Daily Star Egypt. 2007-02-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-14. Nakuha noong 2007-02-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "History: 1961". World Food Program. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-14. Nakuha noong 2007-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-02-14 sa Wayback Machine.
  4. "How WFP is run". World Food Programme. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-01. Nakuha noong 2008-10-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-06-01 sa Wayback Machine.
  5. "Facts & Figures". World Food Programme. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-13. Nakuha noong 2009-05-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-05-13 sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin