Pangangasiwa ng otel

Ang pamamahala ng hotel o pangangasiwa ng otel ay isang okupasyon, trabaho, o hanapbuhay na kinasasangkutan ng katungkulan ng pamamahala o pangangasiwa ng hotel, motel, o resort. Tinatawag ang taong nangangasiwa ng ganitong mga establisamyento bilang manedyer ng hotel, tagapangasiwa ng otel, o tagapamahala ng hotel (Ingles: hotel manager o hotelier). Iba-iba sa ilang mga hotel ang mga pamagat at mga tungkulin ng taong tagapangasiwa ng hotel. Sa ilang mga hotel, ang titulong manedyer ng otel ay maaaring tinutukoy lamang bilang tagapamahalang panlahat o tagapangasiwang panlahat ng hotel. Ang maliliit na mga hotel ay maaaring may isang maliit na pangkat na tagapamahala na binubuo ng dalawa o tatlong mga tagapangasiwa lamang, habang ang mas malalaking mga hotel ay maaaring kadalasang may isang malaking pangkat na tagapangasiwa na binubuo ng sari-saring mga kagawaran, departamento, o mga dibisyon.

Negosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.