Pangangatwirang paikot-ikot

Ang pangangatwirang paikot-ikot o circular reasoning o paradoxical thinking o circular logic ay isang palasiyang lohikal na nangyayari kapag ang nangangatwiran ay nagsisimula sa kung ano ang tinatangka niyang patunguhan nito. Ang mga bahagi ng argumentong ito ay kadalasang balido dahil kung ang mga premisa ay totoo ay ang konklusyon ay totoo rin. Gayunpaman, ito ay walang silbi dahil ang konklusyon ang isa sa mga premisa. Ang lohikang paikot-ikot ay hindi makapagpapatunay ng konklusyon dahil kung ang konklusyon ay pinagdududahan, ang premisa na tumutungo dito ay pagdududahan rin. Ang begging the question ay isang anyo ng pangangatwirang paikot-ikot. Ang pangangatwirang paikot-ikot ay karaniwang nasa anyong: "Ang A ay totoo dahil ang B ay totoo; ang B ay totoo dahil ang A ay totoo". Ang lohikang paikot ikot ay mahirap makilala kung ito ay kinasasangkutan ng mas mahabang mga sunod sunod na proposisyon.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.