Pangarap ng Pulang Silid
Ang Pangarap ng Pulang Silid o Hung Lou Meng o Dream of the Red Chamber ay isang nobela na binubuo ng isang daan at dalawampu (120) na mga kabanata tungkol sa pag-ibig sa pagitan ng isang lalaki at ng kanyang dalawang pinsang babae, katayuan sa lipunan, at ang pagiging kumplikado ng mga damdamin ng tao. Ito ay isinulat ni Cao Xueqin.[1][2][3]
May-akda | Cao Xueqin |
---|---|
Orihinal na pamagat | 紅樓夢 |
Bansa | Tsina |
Wika | Tsino |
Dyanra | Kwento ng pamilya |
Petsa ng paglathala |
|
Nilathala sa Ingles | 1868, 1892; 1973–1980 (unang kumpletong pagsasalin sa Inggles) |
Dewey Decimal | 895.1348 |
Kasaysayan
baguhinIsinulat ang Pangarap ng Pulang Silid ni Cao Xueqin noong ika-labingwalong siglo, sa dinastiya ng Qing, simula 1742 hanggang sa kamatayan ni Xueqin noong 1763.[1][4][5] Nailathala ito noong 1791.[4][6]
Ipinagbawal basahin ang Pangarap ng Pulang Silid noong Rebolusyong Pangkultura o Himagsikang Pangkalinangan (Inggles: Cultural Revolution).[1] Bagama't nagkaroon ng isang pagkakataon kung kailan ipinagdiwang ang nobelang ito ng mga komunistang Tsino dahil sa paglalarawan nito ng kabulukan ng burgis at sa pagpapakita na ang inayos na pagpapakasal o kasalan ay isang atrasadong institusyon ng piyudal na Tsina.[1]
Inalis ang pagbabawal sa nobelang ito ng pamahalaang Tsino noong matapos ang Rebolusyong Pangkultura.[1]
Naging isa sa pinakadakilang kayamanan sa larangan ng panitikan ng Tsina ang Pangarap ng Pulang Silid.[1]
Ang nobelang ito ay nasa pangpublikong domain sa Estados Unidos.[2]
Buod ng kwento
baguhinNagsimula ang nobela sa pagsilang ni Jia Baoyu na tagapagmana at isang taong mayroong malayang kaisipan at ideyalista. Nagrebelde siya laban sa kanyang ama na tumangging payagan siya na ituloy ang isang romantikong relasyon kay Lin Daiyu. Ipinilit ng kanyang ama na pakasalan niya si Xue Baochai.[7]
Noong nalaman ng pamilya ni Jia Baoyu na mahal niya si Lin Daiyu ay sinabi ng kanyang pamilya na ikakasal siya kay Daiyu subalit ang totoo ay ikakasal siya kay Baochai. Ang planong ito ay nalaman ni Daiyu at siya ay nawalan ng malay at nagkasakit.[8]
Habang ikinakasal si Baoyu ay namatay si Daiyu. Nawala sa sariling pag-iisip si Baoyu noong nalaman niya na ang kanyang pinakasalan ay si Baoyu.[8]
Tauhan sa nobela
baguhinAng mga tauhan sa nobela ay kinabibilangan nina:
- Jia Baoyu na isang tagapagmana na may malayang kaisipan at mas nais gugulin ang kanyang oras sa piling ng mga babae kaysa naging burukrata; Nakatira siya sa Daguanyuan, isang magandang hardin, kung saan ay mga babae lamang ang pinapayagan pumasok.[7] [3]
- Lin Daiyu na isang babaeng matalino at may katigasan ng ulo;[7]
- Xue Baochai na isang magandang babae na may talento subalit walang emosyonal na koneksyon kay Jia Baoyu.[7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Wang, Hansi Lo (Hulyo 15, 2012). "In 'Red Chamber,' A Love Triangle For The Ages". NPR. Nakuha noong Nobyembre 5, 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 Cao, Xueqin (Ene 1, 2006). Hung Lou Meng, or, the Dream of the Red Chamber, a Chinese Novel, Book I (sa wikang Ingles). Sinalin ni Joly, H. Bencraft.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 "Epics of Aristocratic Love: "Dream of the Red Chamber" and "The Tale of Genji"". nippon.com (sa wikang Ingles). 2022-02-10. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 4.0 4.1 "Dream of the Red Chamber Summary, Characters & Analysis". study.com. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Stenberg, Josh (2018-04-18). "Why you should read China's vast, 18th century novel, Dream of the Red Chamber". The Conversation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Wood, Michael (2016-02-12). "Why is China's greatest novel virtually unknown in the west?". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 "Dream of the Red Chamber (9780804856744)". Tuttle Publishing (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 8.0 8.1 "Book Summary". www.cliffsnotes.com. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)