Panggabing Kalagayan ng Kalooban
Ang Panggabing Kalagayan ng Kalooban (Ingles: Evening Mood), maaari ring Panggabing Kalagayan, Panggabing Kalooban, o Panggabing Panagano (Pranses: Humeur Nocturne) ay isang alegorikal na dibuho o larawang ipininta na nilikha ng alagad ng sining na si William-Adolphe Bouguereau noong 1882. Ang ipinintang larawang ito ay bahagi ng kalipunan ng sining na pandaigdigan ng Museo ng Pinong Sining ng Habana, sa Cuba.