Buksan ang pangunahing menu

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".

Uri ng PanghalipBaguhin

Ayon sa Tagalog Lang, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng panghalip ang panghalip na panao, panghalip na pananong, panghalip na panaklaw, at panghalip na pamatlig.[1]

Panghalip na PanaoBaguhin

Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.

Panghalip na Panao
Isahan Maramihan
Simuno Tagaganap Simuno Tagaganap
ako ko tayo natin
kami namin
ikaw, ka mo kayo ninyo
siya niya sila nila

Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng ay at nasa hulihan ng pangungusap kapag walang ay. Ang panghaip na panaong nagaganap ay laging nasa bahaging panaguri at nakikita kasunod ng pandiwa.

Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, kami (we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya (he/she).

Panghalip na PaariBaguhin

Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.

Panghalip na Paari
Isahan Maramihan
akin atin, amin
iyo inyo
kanya kanila

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa panghalip na paari:

  • Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa unahan ng pangungusap kung walang "ay".
  • Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.
  • Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.

Halimbawa: "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang magandang proyekto?"

Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o may nauunang pangngalan, hindi na ito panghalip. Sa halip, itinuring na itong panuring.

Halimbawa:

  1. Ang bagong damit ay akin. (panghalip)
  2. Ang aking damit ay bago. (panuring)
  3. Ang damit ko ay bago. (panuring)

Panghalip na PananongBaguhin

Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang "pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.

Panghalip na Pananong
Kinakatawan Isahan Maramihan
tao sino sinu-sino
bagay ano anu-ano
bagay na pipiliin alin alin-alin
taong may-ari kanino kani-kanino
nino ninu-nino
bilang ilan ilan-ilan
sukat/dami gaano gaa-gaano
halaga magkano magka-magkano

Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin.[1]

Panghalip na PamatligBaguhin

Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton.[2]

Panghalip na Pamatlig
Mga salita Paglalarawan
ito, ganito, dito, heto Hawak niya o malapit sa kanya ang itinuturo.
iyan, ganyan, diyan, hayan Malapit sa kanya ang itinuturo.
iyon, ganoon, doon, hayun Malayo sa kanya ang itinuturo.

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na w at y.

Halimbawa: "Ligtas diyan ang anak mo."

Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w at y.

Halimbawa: "Lumapit ka rito."

Panghalip na PanaklawBaguhin

Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun (literal na "panghalip na walang katiyakan" o "hindi tiyak") sa Ingles. Halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang sumusunod: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, "saanman", at "ilan"

Mga sanggunianBaguhin

Mga SipiBaguhin

  1. 1.0 1.1 "Mga Uri ng Panghalip at Halimbawa". tagaloglang.com.
  2. Santiago, A. O. & Tiangco, N. G. (2003) Makabagong Balarilang Filipino: Binagong Edisyon. Manila: Rex Bookstore, Inc.

Mga PinagkukunanBaguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.