Pangmadlang kalipunan

Ang pangmadlang kalipunan o pampublikong kalipunan (Ingles: public sphere, Aleman: Öffentlichkeit) ay isang lugar o larangan sa panlipunang pamumuhay kung saan ang mga indibidwal ay maaaring magsama-sama upang malayang talakayin at tukuyin ang mga suliran sa lipunan, at sa pamamagitan ng talakayang iyon ay makakaimpluwensya at makapagdulot sa pampulitikang pagkilos o pagbabago. Ang "pangmadla" ay "ang kung ano ang dapat pinagtutuunan ng kabuuang katuahan o sambayanan." Ang madlang kalipunan ay isang larangan na pinagsasaluhan ng lahat, kung saan maaaring magpalitan ng mga kaisipan at kaalaman. Ang naturang talakayan ay tinatawag na pampublikong debate at binibigyang-kahulugan bilang pagpapahayag ng mga pananaw sa mga bagay na may kinalaman sa madla —kadalasan, ngunit hindi palaging, na may salungat o magkakaibang pananaw na ipinahahayag ng mga kalahok sa talakayan. Ang pampublikong debate ay kadalasang nagaganap sa pamamagitan ng midyang pangmasa, ngunit gayundin sa mga pagpupulong o sa pamamagitan ng hatirang pangmadla, akademikong nailimbat, at mga kalatas ng mga alituntunin at patakaran ng pamahalaan.[1] Ang salitang ito ay unang nilikha ng pilosopong Aleman na si Jürgen Habermas na tinukoy ang pangmadlang kalipunan bilang "binubuo ng mga sarisariling tao na nagtitipon-tipon bilang isang buong madla at binibigkas ang mga pangangailangan ng lipunan kasama ng estado".[2] Tinukoy ito ng dalubhasa sa komunikasyon na si Gerard A. Hauser bilang "isang pantalakayang espasyo kung saan ang bawat't isang mga indibidwal at pangkat ay nakikipag-ugnayan upang talakayin ang mga bagay na may interes sa isa't isa at, kung maari, upang maabot ang iisang magkatulad na pagpapasya tungkol sa mga ito".[3] Ang pangmadlang kalipunan ay maaring tanawin bilang "isang tanghalan sa mga modernong lipunan kung saan ang pakikilahok sa pulitika ay pinakikilos sa pamamagitan ng pakikipagusap"[4] at "isang larangan ng buhay panlipunan kung saan nabubuo ang pananaw o opinion ng madlang mamamayan."[5]

Usapang talakayan sa isang kapihan

Mga sanggunian

baguhin
  1. Overland, Indra (2018-01-01). Public Brainpower: Civil Society and Natural Resource Management. pp. 1–22.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Soules, Marshall. "Jürgen Habermas and the Public Sphere". Media Studies.ca.
  3. Hauser, Gerard A. (1999). Vernacular Voices: The Rhetoric of Publics and Public Spheres. Columbia: University of South Carolina Press. p. 61; isang pang katulad na pagpapaliwanag ay matatagpuan sa: Hauser, Gerard A. (Hunyo 1998), "Vernacular Dialogue and the Rhetoricality of Public Opinion", Communication Monographs, 65 (3): 83–107, doi:10.1080/03637759809376439, ISSN 0363-7751.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link), p. 86. See also: G. T. Goodnight (1982). "The Personal, Technical, and Public Spheres of Argument". Journal of the American Forensics Association. 18:214–227.
  4. Fraser, Nancy (1990), "Rethinking the Public Sphere: A Contribution to the Critique of Actually Existing Democracy", Social Text, 25 (26): 56–80, doi:10.2307/466240, JSTOR 466240, S2CID 9589555.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Also published in 1992 in Fraser, Nancy (1992), "Rethinking the Public Sphere: A Contribution to the Critique of Actually Existing Democracy", sa Calhoun, Craig (pat.), Habermas and the Public Sphere, Cambridge Mass.: MIT press, pp. 109–142, ISBN 978-0-262-53114-6{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Asen, Robert (1999). "Toward a Normative Conception of Difference in Public Deliberation". Argumentation and Advocacy. 25 (Winter): 115–129. doi:10.1080/00028533.1999.11951626.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.