Pangmadlang komunikasyon
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Hunyo 2014) |
Kilala sa Ingles bilang Mass Communication, ang terminolohiyang Pangmadlang Komunikasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagpasa ng isang mensahe sa isang malaking grupo ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng anumang uri ng midya (maaaring dyaryo, telebisyon, radyo, pelikula, Internet, atbp.)
Sinasabi na ang terminolohiyang mass communication ay nagsimulang palawigin noong mga taong 1920, noong kasagsagan ng pangmalawakang paglaganap ng mga estasyon ng radyo, dyaryo, at mga magasin. Noong panahong ito, nagsimulang maging talamak ang pag-ikot ng impormasyon sa masa sa pamamagitan ng midya.
Hanggang sa kasalukuyan, ang pagpapalawig ng impormasyon ang nananatiling pangunahing layunin ng pangmadlang komunikasyon.
Ang terminong pangmadlang komunikasyon ang siya ring ginagamit upang tukuyin ang isang kursong pang-akademiko kung saan pinag-aaralan ang iba’t ibang paraan upang ang tao o grupo ng mga tao ay makapagpasa ng mensahe o impormasyon sa isang malawakang sakop ng tao. Karaniwang pinag-aaralan sa kursong ito ang mga paksang dyornalismo, brodkasting sa radyo at telebisyon, patalastas, at public relations o pampublikong ugnayan.
Mga Paksang Sakop ng Kursong Pangmadlang Komunikasyon
baguhin- Mga prinsipyo ng Patalastas at Pampublikong Ugnayan
- Pagsusuring Komunikasyon o Communication Research
- Patalastas sa Radyo at Telebisyon
- Brodkasting
- Mga Batas ukol sa Pangmadlang Midya
- Dyorrnalismo
- Produksiyon sa Telebisyon
- Potograpiya
- Pagsusulat sa Radyo at Telebisyon
- Pampublikong Ugnayan
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.