Paniniwala ng mga Kristiyano tungkol sa pagpapakamatay
Mula sa mga unang simbahan, nagkaroon ng maraming mga opinyon at paniniwala tungkol sa pagpapakamatay. Sa tingin ng mga unang Kristiyano, ang pagpapakamatay ay isang masamang kasalanan na walang kaligtasan. Ngunit ngayon, tinatanggi ng mga modernong simbahan na dumideretso ang mga taong nagpakamatay sa Impiyerno, pero may naniniwala pa rin na hindi naliligtas ang mga taong nagpakamatay.
Ayon sa nauunang simbahan
baguhinAng unang dokumentong Kristiyano na ikinokondena ang pagpapakamatay ay ang librong The City of God na isinulat ni San Agustin noong ikalimang siglo. Ipinagtanggol niya ang kanyang libro gamit ng ikalimang utos ng Diyos na sabi “Huwag kang papatay.”[1] Gumamit din siya ng mga rason mula sa Phaedo ni Platon. Ikinodena rin ni Santo Tomas ng Aquino ang pagpapakamatay. Ang kanyang tatlong pangunahing rason kung ba’t niya ito ikinokondena ay[1]:
- Labag ang pagpapakamatay sa pagmamahal sa sarili.
- Nakakasakit ang pagpapakamatay ng lipunan na parte ang isang tao.
- Labag ito sa tungkulin ng mga tao para sa Diyos dahil Siya’y naghandog ng buhay ng lahat at Siya nakakasabi kung kailan tayo mamamatay lamang.
Naging sekular na krimen ang pagpapakamatay noong ikaanim na siglo at hindi nakakatanggap ang mga taong nagpakamatay ng Kristiyanong libingan.
Ayon sa Simbahang Katolika ngayon
baguhinAyon sa teolohiya ng Simbahang Katolika, ang pagpapakamatay ay isang malubhang bagay na puwedeng ituring bilang isang mortal na kasalanan. Ang dahilan kung ba’t ikinokondena ng Simbahan ang pagpapakamatay ay ang buhay ng isang tao. Ayon sa Simbahan, ang buhay ng isang tao ay handog mula sa Diyos, na Siya ang may-ari; kapag may nagpakamatay, sinira niya ang isang bagay na ang Diyos ang may-ari.
Nakasulat sa puntong 2281 ng Katesismo na:
2281 Ang pagpapakamatay ay sumasalungat sa natural na hiling ng tao na panatilihin ang kanyang buhay. Labag ito nang malubha sa makatarungang pagmamahal sa sarili. Nakakasakit din ito sa pagmamahal para sa kapwang-tao dahil sinisira nito ang dugtong-dugtong pagkakaisa sa pamilya, bansa, at sa iba pang pantaong lipunan kung saan may mga obligasyon tayo. Ang pagpapakamatay ay labag sa pagmamahal para sa buhay na Diyos.[2]
Pinapaalala man din ng Katesismo ng Simbahang Katolika na maaaring hindi maayos ang isip ng mga taong nagpakamatay; hindi nila maintindihan na ang gagawin nila ay isang kasalanan dahil “maaaring mawala ang katinuan ng isang taong nagpapakamatay dahil sa malulubhang mga problemang sikolohikal...” Ipinagdarasal ng Simbahang Katolika ang mga taong nagpakamatay, na si Kristo ang hahatol nang patas at makatarungan.
2282 ...Maaaring mawala ang katinuan ng isang taong nagpapakamatay dahil sa malulubhang mga problemang sikolohikal, pighati, o isang malakas na katakutan sa paghihirap, pagdurusa, o pasakitan.[2]
Dati, hindi nakakakuha ang mga taong nagpakamatay ng Katolikong libingan. Ayon kay Papa Pio X: "Ipinagbawal ng Diyos sa Ikalimang Utos ang pagpapakamatay dahil hindi tao ang may-ari sa kanyang buhay...[o ang buhay ng iba]. Kaya't pinaparusahan ng Simbahan ang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagtatanggi ng Kristiyanong libingan."[3] Ngunit ngayon, hindi na isang rason ang pagpapakamatay upang itanggi ang isang tao ng Kristiyanong libingan sa Simbahan Katolika.[4]
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Cholbi, Michael, "Suicide", The Stanford Encyclopedia of Philosophy (Fall 2017 Edition), Edward N. Zalta (ed.), https://plato.stanford.edu/archives/fall2017/entries/suicide/
- ↑ 2.0 2.1 “PART THREE: LIFE IN CHRIST. SECTION TWO: THE TEN COMMANDMENTS. CHAPTER TWO: ‘YOU SHALL LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF’ ARTICLE 5: THE FIFTH COMMANDMENT. I. Respect for Human Life - Suicide.” Catechism of the Catholic Church. (Ingles) [1]
- ↑ Pope Pius X. Catechism of Saint Pius X. Taken from https://www.ewtn.com/library/CATECHSM/PIUSXCAT.HTM Naka-arkibo 2019-07-05 sa Wayback Machine.
- ↑ McNamara, Father Edward. “Funeral Mass for Suicide”. EWTN. (Ingles) https://www.ewtn.com/catholicism/library/funeral-masses-for-a-suicide-4296