Panitikang Hindi
Ang panitikang Hindi (Hindi: हिन्दी साहित्य) ay ang panitikan sa wikang Hindi, ang opisyal na wika ng Indiya, ayon sa Konstitusyon ng Indiya (Artikulo Blg. 343),[1] at winiwika sa mga estado ng Haryana, Rajasthan, Uttar Pradesh, Uttarakhand, Bihar, Madhya Pradesh, Chhatisgarh, Jharkhand at Himachal Pradesh. Dahil dito ang panitikang Hindi ay naglalaman ng panitikan sa lahat ng mga wikang Hindi, kasama na ang mga diyalektong katulad ng Brij Bhasha, Bundeli, Awadhi, Kannauji, Marwari, Maithili, Magahi, Bhojpuri, Bihari at Khariboli (Makabagong Pamantayang Hindi) na nasa panitik na Devanagari, ang diyalektong isa sa opisyal na mga wika ng Indiya.[2] Malawakang nahahati ang panitikang Hindi sa apat na pangunahing mga anyo o mga estilo: ang Bhakti (debosyonal - Kabir, Raskhan); Shringar (kagandahan - Keshav, Bihari); Veer-Gatha (pagdarakila ng matatapang na mga mandirigma) at Adhunik (moderno).
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.