Panlabas na butas ng uretra ng babae

Ang panlabas na butas ng uretra ng babae (Ingles: external urethral opening, external urethral orifice, urinary meatus) ay ang butas na urinaryo o pang-ihi na nasa ilalim ng tinggil at nasa pagitan ng labia minora (maliit na labi ng puke).[1] Ito ang panlabas na butas o "bibig" ng uretra, kung saan ang ihi ay ibinubuga habang umiihi (urinasyon). Nakalagay ito sa humigit-kumulang sa 2.5 cm sa likod ng glans clitoridis at kaagad na nasa harapan ng puki. Karaniwan nitong kinukuha ang hubig ng isang maiksing bingal (siwang, cleft) na dumaraan mula sa harap papunta sa likod (sagittal, hindi sa diwang "kahugis ng palaso") na mayroong bahagyang nakaangat na mga gilid. Nasa kaliwa ng panlabas na butas na ito ng uretra ng babae ang mga butas ng mga dukto ni Skene (maliliit na tubo ni Skene).

Panlabas na butas ng uretra ng babae
Panlabas na mga organong pangkasarian ng babae. Ang labia majora ay ibinuka. Ang butas ng uretra ay nasa gitna ng tinggil at ng puki.
Mga detalye
LatinOrificium urethrae externum
Mga pagkakakilanlan
Dorlands
/Elsevier
o_06/12596415
TAA09.2.03.005
FMA85266

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.

Mga kawing na panlabas

baguhin